Thứ Bảy, 18 tháng 1, 2014

Here and Now (Part 18)

By: Chaster Rassel 

Chapter 18: The Fashion Week...

SI REVY......

Habang nasa banyo ko ay nagmamadali ako. Gusto ko na kasing maisaksak at masindihan iyong cellphone ko para makatawag na si Hyro sa kanila at makauwi na siya. Kabado kasi ko na baka biglang dumating si nong Primo at kapag nakita nito na nandito siya tiyak na lagot ako. At pwede rin niya itong ikapahamak.

Pero huli na pala ang lahat, dahil paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si nong Primo na nakaratay sa may supa at walang malay. Habang si Hyro naman ay nakatayo sa harap niya at titig na titig sa kanya. Nilapitan ko sila.....

    “Ahmmm...Hyro....”
    “Sabihin mo sa akin...Siya ba iyong ninong mo?...”usisa niya habang titig na titig pa rin siya kay nong Primo...
    “Oo...Siya nga...Si ninong Primo...ninong ko...”

Napatingin ako sa  kanya. At laking pagtataka ko na lamang dahil iyong mga mata niya ay tila naluluha at nababakas sa mukha niya ang di maintindihang lungkot. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Pero bakit? Bakit ganito ang reaksyon niya kay nong Primo?......

    “Hy...Hyro bakit?....”

Lumingon siya sa akin, bigla siyang ngumiti pero ang mga luha na naipon sa kanyang mga mata ay nandun pa rin at malapit nang bumagsak.....

    “Wala....Wala lang toh!....”nakangiti niyang sambit....
    “Wala?...Eh ano iyan?...”sambit ko sabay pahid ng kamay ko sa magkabila niyang mata.....
    “Wala nga...Toh naman ang oa!....”
    “Ako pa ang oa?...Eh ikaw itong lumuluha diyan...”
    “Okay...Ang totoo, naaawa lang naman ako sa inyo eh....Dito sa kalagayan niyo....”
    “Hmmm....Sige...Sinabi mo eh...”
    “Ahmmm....Lagi ba siyang ganyan?...”usisa niya sabay turo kay ninong.....
    “Madalas...Pero sanay naman na ko sa kanya eh....Sorry nga pala ....Nakakahiya at nakita mo pa siya nang ganyan...”
    “Okay lang...Buti nga nandito ko eh...Kung hindi walang sasalo sa kanya nung muntikan na siyang bumagsak kanina....Lasing na lasing siya eh...”

Napansin ko na ang dumi ng damit niya.......

    “Hyro iyong damit mo....”
    “Nasukahan niya ko nung inalalayan ko siya eh...”
    “Di bale...Pahihiramin na lang kita ng damit para makapagpalit ka...”

Nagtungo ako sa kwarto, kinuha ko iyong cellphone ko, extrang sim at charger tapos ay naglabas ako ng pampalit niya na t-shirt tsaka bimpo na rin para mapunasan niya ang katawan niya. Pinapasok ko na siya sa kwarto, habang ako naman ay lumabas para isaksak iyong cellphone at ilagay iyong extrang sim. Pagkatapos ay iginilgil ko iyong bimpo para sa kanya.

Bumalik na ko sa kwarto para ibigay sa kanya iyong bimpo......

    “Ito na iyong bimpo...”sambit ko sabay abot sa kanya....
    “Salamat...”

Pagkakuha niya nito, walang sabi-sabi ay naghubad siya ng damit niya sa harapan ko. Bigla akong napalunok at napaupo sa may kama. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkakatitig sa katawan niya habang pinupunasan niya ito. Ang puti-puti kasi at ang kinis-kinis. Tapos iyong mga utong niya pinkish at iyong hubog niya ay talaga namang pang modelo.

Patuloy ko siyang pinagmasdan hanggang sa naramdaman ko na tinitigasan na pala ko. Napayuko ako. Anak ng isang kilong tinapa! Nakabukol ang harapan ko!! Natakot ako na baka makita niya kaya agad ko itong tinakpan ng unan.

Tumingin siya akin at ilang saglit lang ay bigla na lamang siyang tumawa. Hindi naman ako nakaimik, pero naiirita ko sa pagtawa niya kaya naman.........

    “Bakit?!...”usisa ko...
    “Naisip ko lang kasi...Ganyan din siguro iyong itsura ko kanina sa loob ng fitting room noh?...Ahaha....”

Natawa na lang din ako sa sinabi niya, dahil kung tutuusin ay ganito nga din siya kanina.....

    “Hmph!...Puro ka talaga katarantaduhan...”
    “Siryoso, ganyan din ba ko kanina?...”
    “Oo na!...”
    “Oh di ba?...At least patas na tayo ngayon....Ay hindi pala!...Talo kasi ko sa katawan mo eh!...”
    “Talo ka diyan...Ikaw nga itong pangmodelo ang katawan eh....”
    “Hindi ah...Maputi lang ako pero mas mamuscle ka pa rin sa akin...”
    “Tigilan mo nga ko Hyro...Magbihis ka na!...”

SAMANTALA SI ORYO......

Nagpasiya si Madam na kumain na muna ng gabihan. Sumabay na rin ako sa kanila habang inaalalayan ko si Hunsel sa pagkain. Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Madam. Huminto muna siya sa pagkain at tinignan ito....

    “Who is this?...Hindi ko kilala ang number na toh ah...”sambit niya....

Napahinto rin kami ni Hunsel at....
   
    “Baka po si Hyro na iyan Ma....”sambit ni Hunsel
    “Baka nga...”

Sinagot na ito ni Madam. At iyong tumawag ay wala ngang iba kung hindi si Hyro na.......

    “Finally tumawag ka ring bata ka...Gabi na ha at umuulan pa...Pinag-aalala mo kami...Nasaan ka ba?...”

Habang magkausap sila sa cellphone ay ipinagpatuloy naman namin ni Hunsel ang pagkain. Kasalukuyan akong ngumunguya nang marinig kong sabihin ni Madam na......

    “So nasa bahay ka pala ng kaibigan mo...Sana naman next time magpapaalam ka para hindi kami nag-aalala....”

Nasamid ako sa kinakain ko dahil doon. Lintik na iyan! Tama ba ang narinig ko?! Pinapunta ni Revy si Hyro sa bahay?!! Pasaway talaga na bata, gusto ata na mapahamak kaming pare-pareho! Samantala, dahil sa pagkasamid ko ay.......

    “Oryo anong nangyari sa iyo?!...”usisa ni Hunsel....
    “Are you okay iho?...”dagdag ni Madam na sandaling nahinto sa pakikipag-usap....

Buti na lamang ay malapit lang sa akin iyong tubig na inumin. Uminom ako agad at nang makahinga na ko nang maluwag.....

    “Okay lang po ako...Nasamid lang po sa pagkain...”sagot ko...
    “Hinay-hinay ka lang kasi...”sambit ni Hunsel....

Kailangan kong makausap agad si Revy. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa pagpunta ni Hyro sa bahay namin.

BALIK KAY REVY......

Nakatawag na si Hyro sa kanila at nasabi na niya na magpapasundo siya. Matapos iyon ay.....

    “Ahmmm....Revy...Salamat sa lahat....Mabuti pa tutuloy na ko...Doon kasi ko sa eskwelahan nagpasundo eh...Lalakarin ko na lang ulit pabalik doon...”
   
Mabuti na rin ito, para kung magising man si nong Primo ay hindi na siya madadatnan nito.....

    “Pero teka...Umuulan pa ah...Meron akong payong dito...Gamitin mo na lang...”
   
Pagkabigay ko sa kanya nung payong ay hinatid ko na siya sa may pintuan....

    “Ihatid na kaya kita...Baka kasi mapagtripan ka ng mga gago diyan o kaya makilala ka nila...Baka pagkaguluhan ka...”
    “Huwag na...Kaya ko na...Tsaka ang gustong kong gawin mo ay ang asikasuhin mo iyang ninong mo...”sagot niya sabay tingin kay ninong....
    “Oh sige...Kita na lang tayo sa sabado...Mag-iingat ka ah...”
    “Sige...Asikasuhin mo ninong mo ha...”

Umalis na siya, ako naman ay napatingin na lang rin kay nong Primo. Ngayon naman, tila nagpapakita siya ng pagmamalasakit kay ninong. Hindi ko lubos maintindihan pero nakapagtataka talaga siya.

KINAGABIHAN, BAGO MATULOG, SI ORYO......

Nang masigurado kong tulog na ang lahat ng mga tao, kinuha ko ang cellphone ko at nagtungo ako sa may balkonahe para tawagan na si Revy. Mabuti naman at nagriring na ngayon iyong cellphone niya, ilang sandali lang ay sinagot na niya ito.......

    “Kuya Oryo!...Buti tumawag ka...May gusto kong sabihin sa iyo eh.....”
    “ANO?...Na pinapunta mo si Hyro diyan sa bahay?...HA?!...”
    “Alam mo?...Pero paanong....”
    “Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman!...Revy ano bang pinaggagagawa mo?!...NASISIRAAN KA NA BA HA?!!....”
    “Kuya pwede huwag ka munang magalit?...Sana hayaan mo muna kong makapagpaliwanag...”

May punto siya, pinagagalitan ko na siya agad nang di ko man lamang inaalam muna ang buong pangyayari. Kaya naman.....

    “Sige...Magsalita ka...”
    “Kailangan niyang tumawag diyan sa mansyon kanina para magpasundo...Siguro naman alam mo na naiwanan niya sa kotse iyong cellphone niya....At iyong akin naman iniwan kong lowbat dito sa bahay...Eh nasa malapit lang naman kami, kaya naisip ni Hyro na umuwi na lang muna kami dito para iyong cellphone ko ang ipangtawag diyan....”
    “Hmph!...Tapos pumayag ka naman...Nang hindi mo man lang naisip na pwede kayong madatnan ni nong Primo diyan!...”
    “Kuya naisip ko iyon!...Maniwala ka...Kabado ako kanina sa ginawa ko...Pero...Pero wala kang dapat ipag-alala....”
    “Anong ibig mong sabihin?...”
    “OO, dumating si ninong Primo kanina nung nandito si Hyro....Pero gaya nang madalas niyang gawin, umuwi siya nang lasing....Kaya bago pa man mangyari iyong kinatatakutan natin, nawalan na siya nang malay at hanggang ngayon tulog pa rin siya....”

Kahit paano ay lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Mabuti naman at hindi sila napahamak kanina. Pero sa kabila noon, alam ko na hindi pa rin ako dapat makampante......

    “Kuya...Magpasalamat na lang tayo na ganun lang ang nangyari kanina...Huwag ka na sanang magalit....”
    “Ano pa nga ba?...Wala naman na kong magagawa....”
    “Ahmmm...Kuya...Meron pang nangyari kanina na dapat mong malaman.....”
    “Ano iyon?...”
    “Si Hyro...Kakaiba iyong reaksyon niya nung nakita niya si nong kanina...”
    “Anong kakaiba?...”
    “Kuya mangiyak-ngiyak siya...”
    “Ha?!...Pero bakit?...”
    “Hindi ko nga rin maintindihan eh...Nung tinanong ko siya, sinabi lang niya na naaawa daw siya sa kalagayan namin ni ninong...Pero iba ang kutob ko eh...Kuya iyong itsura niya kasi habang naiiyak, may halong pagkabigla at parang....”
    “Parang kilala niya si ninong?...”

    “OO!...Ganun nga!!...”

Nahihiwagaan ako, anong ibig sabihin nito? May kaugnayan nga ba si Hyro kay nong Primo? Mukhang tama nga ang kutob ko na higit pa sa pera ang dahilan ng lahat ng ito......

    “Revy makinig ka, kahit na anong mangyari, hindi mo na ulit papapuntahin si Hyro diyan ah....Kung anuman iyong dahilan ng reaksyon niya kanina, malalaman din natin iyon....Pero sa ngayon, mas mabuting mag-ingat tayo...Naintindihan mo?...”
    “Oo kuya, pangako di ko na siya ulit papapuntahin dito...”

Natapos na kaming mag-usap at ibinaba ko na iyong telepono. Pabalik na sana ko sa loob, pero laking gulat ko, dahil paglingon ko ay nakita kong nakatayo si Hyro sa may pintuan. Naloko na! Kanina pa ba siya nandito?! Nilapitan ko siya at.......

    “Hy...Hyro...Kanina ka pa ba nandito?...”kabado kong usisa.....
    “Kadarating ko lang...Pupunta sana ko sa kusina para uminom ...Then I heard na parang may bumubulong mula dito....May kausap ka ba dito kuya?...”
    “Ahmmm....Wala!...Nag-iisa lang naman ako dito eh....”
    “Then what are you doing here?...”
    “Ano bang tanong iyan....Alam mo naman na dito ko nagpupunta kapag di ako makatulog di ba?...Para magmuni-muni....”
    “Ay oo nga pala noh....Sige kuya...I have to go na...Nauuhaw na talaga kasi ko eh...”

Pagkaalis niya ay napabuntong-hininga na lamang ako. Hay, muntikan na ko doon.

GABI NG FASHION WEEK, SI HYROMIN......

At last, dumating na rin ang gabing pinakahihintay ko, ang gabi ng Fashion Week. Excited ako, kaya naman di ako magkandaugaga habang nagpreprepare sa may backstage.....

    “Himala ata...Usually naglalaro ka ng psp pag di pa simula ang show...But now todo handa ka....This is the first time I saw you like this....”sambit ni Mommy....
    “Oo nga...Kulang na lang isubsob mo iyang sarili mo sa katititig sa salamin eh...”dagdag ni kuya Oryo....
    “I told you guys...Inspired ang mokong na iyan....”tila nang-aasar na dagdag ni kuya Hunsel.....

Napahinto ako at napalingon sa kanila.......
    “Ano ba kayo!...Para naghahanda lang iyong tao eh, kung anu-ano na ang iniisip niyo diyan....”
    “Oh c’mon bro!...Hindi ka naman ganito last year eh...”nakangising sambit ni kuya Hunsel....

Talagang pinagtritripan ako nitong si kuya. Well, kung gusto niya ng asaran, pwes asaran ang ibibigay ko sa kanya......

    “Okay kuya Hunsel...You can say what you want...Total, puro speculation lang naman iyang sa iyo eh....Samantalang ako may nakita....”
    “Huh?...Nakita?...What do you mean?...”nagtatakang tanong ni Mommy....

Biglang nawala iyong ngisi sa mukha ni kuya Hunsel. Natahimik silang pareho ni kuya Oryo tapos ay nagblublush sila. Ngayon naman, ako ang ngumisi kay kuya Hunsel at......

    “Oh...Ma hindi pa ba nila nabanggit sa iyo iyong nakita ko dati sa ospital?....”
    “What are you talking about ba?...”usisa ni Mommy....
    “I see...Hindi nga nila sinabi...So ako na lang ang magsasabi...?”
    “HUWAG!!!...”sabay na sigaw nila kuya....

Sa lakas ng mga boses nila ay napatingin tuloy sa amin ang mga tao. Si Mommy ay nagulat pa. Napatikom naman ang mga bibig nila at.....

    “Ano ba iyon?...Ano ba iyong di ko alam?...”muling usisa ni Mommy...
    “Ah....Wala iyon Ma!.....Don’t take what he said seriously.....Gu...Gumaganti lang po iyan sa pang-aasar ko!...”
    “Ahmmm....Madam...Baka kung saan pa po mapunta to eh...Mabuti pa po mauuna na kami ni Hunsel sa may vip seats.....Hindi ba Hunsel?....”sambit ni kuya Oryo sabay tingin kay kuya Hunsel....
    “O..Opo Ma....Mauuna na kami....”
    “Okay...Sige...”

Nakakatawa naman, ang lakas mang-asar ni kuya Hunsel eh iyon lang pala ang katapat niya.

PAGLABAS NILA ORYO......

Kahit kailan lokoloko talaga iyong si Hyro. Muntik pa niyang ibuking kay Madam na nakatulog kami ni Hunsel nang magkaholding hands. Samantala, habang papunta kami sa may vip seats sa audience area, may  nakasalubong kaming dalawang tao.

Natatandaan ko sila, mga modelo sila ng Amethelli Apparels na nakasama noon ni Hunsel sa rehearsal........

    “Well look who’s here....Hunsel Amethelli...” tila nang-aasar na sambit ng isa.....
    “Grabe pala talaga ang nangyari sa iyo...Kawawa ka naman...Hindi ka na nakasali nang tuluyan sa sarili mong show...”dagdag nung isa pa....
    “Sayang...Ang dating binansagan na pinakamagaling na modelo...Naging inutil na ngayon!...”
   
Tahimik lamang si Hunsel, pero ako, hindi ko na gusto ang tabas ng mga dila nila. At hindi rin ako makakapayag na ganituhin nila siya kaya naman.....

    “Pwede ba?!...Kung walang magandang lalabas diyan sa mga bibig niyo, itikom niyo na lang....Umaalingasaw kasi yong baho eh!...”inis kong sambit....
    “Relax Mr. personal assistant....We don’t want to pick a fight...Sinasabi lang namin kung anong nakikita namin....”
    “Oh well...We should be going now....By the way Hunsel, pakisabi na lang sa kapatid mo na.....”

Tumingin siya pababa sa may wheelchair, tinitigan ang mga binti ni Hunsel sabay sabi ng.......

    “BREAK A LEG!...”

Habang lumalakad sila papalayo ay dinig na dinig pa ang tawanan nilang dalawa. Nakakainis talaga, bakit ba may mga taong kagaya nila?

Hindi pa rin umiimik si Hunsel. At nang tumingin ako sa kanya, nababakas ko sa mukha niya na naapektuhan siya nang husto sa sinabi nung dalawa. Napansin ko rin na napapasara ang kaliwa niyang kamay, nanggigigil siya. Dahil doon, ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya at hinawakan ito.....

    “Huwag mo na lang silang pansinin...Espesyal ang gabing itong para sa kapatid mo...Hindi niya dapat makita na nagkakaganyan ka...At higit sa lahat, hindi mo dapat hayaan na masira ang gabi mo nang dahil lang sa mga gagong iyon....”

Hindi siya nagsalita, sa halip ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero kitang-kita ko na pilit lamang ito.

BALIK KAY HYROMIN......

Isang tao na lang ang kulang at makukumpleto na ang gabi ko, si Revy. But the thing is hindi pa siya nagpaparamdam. Ni text o tawag man lang mula sa kanya ay wala, I’m getting worried tuloy na baka di siya dumating. Mabuti pa siguro ay ako na ang tumawag sa kanya. But first.....

    “Ma...What if kung samahan niyo na po sina kuya?...Kaya ko naman na po dito eh....”
    “Are you sure?....”
    “Opo Ma...Okay lang po ko dito....”

Pinuntahan na ni Mommy sina kuya, then I quickly grab may phone para tawagan si Revy. Nagriring ang phone niya pero hindi niya ito sinasagot. Ano na bang nangyayari kay Revy?

Maybe nandito na siya, kaya mula sa may backstage, sumilip ako sa labas para tignan siya. But there’s already too many people para makita siya mula sa malayo. So I decided na tuluyan nang lumabas para maghanap. Sa dami ng tao ay ni di na nila ko napansin. Mayamaya habang naglilibot ako ay bigla na lamang may nagsalita mula sa aking likuran.....

    “Psst!...Sinong hinahanap mo?...”

Napalingon ako, abot tenga nga ang ngiti ko dahil si Revy na pala iyon. At suot niya iyong bigay kong damit.......

    “Sino pa ba?...Eh di ikaw!...Kainis ka...Ni hindi ka man lang nagtetext o tumatawag...Tapos tinatawagan kita pero di mo naman sinasagot!...”
    “Ay..Sorry!...Maingay kasi dito eh...Kaya hindi ko narinig na tumatawag ka pala....”

Inilabas niya iyong cellphone niya then he check it......

    “OO nga noh...May missed call ka nga...Alam mo tatawagan pa lang sana kita eh...Pero nakita kita....”
    “Hmph!...Kala ko tuloy di ka pupunta...”
    “Sinabi ko naman sa iyo di ba?...Pupunta ko dahil alam kong mahalaga ang gabing itong para sa iyo.....”
    “Halika ka na nga!...Samahan mo muna ko sa may backstage!...”sambit ko sabay hila sa kanya.....

Hinila at dinala ko siya sa may backstage, doon banda sa lugar ko kanina......

    “Ahmmm...Na...Nasaan nga pala iyong pamilya mo?....”
     “Nakaupo na sila doon sa may vip area...”
    “Papakilala mo na ba ko sa kanila?...”
    “Mamaya after ng show...”

While we’re talking ay may lumapit sa amin na isang babaeng crew. Tila tensyonado siya at natataranta.....

    “Hyromin! Hyromin!...Nasaan ba ang mommy mo?!....”
    “Nasa vip area na po...May problem po ba?...”
    “NAKU!...Malaki!...”
    “PO?!...”
    “Kasi iyong isa sa mga models hindi na raw makakarating!....Eh 30 minutes na lang start na iyong show!....Tapos kulang tayo ng isang model!...”

Napalingon siya kay Revy, then suddenly natigilan siya. Tapos ay tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa......

    “Who is this very cute and handsome boy?...”
    “Si Revy po...Kaibigan ko...”
    “Hmmm...He’s got the look...And coincidentally, suot na niya iyong outfit na dapat irarampa nung model na hindi makakarating....”

Bigla siyang napangiti, maging ako man ay napangiti rin at napatingin kay Revy. Dahil nabasa ko na kung ano ang iniisip at binabalak niyang gawin na solusyon para sa aming problema..........

ITUTULOY.......                           

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét