Thứ Tư, 4 tháng 12, 2013

Here and Now (Part 16)

By: Chaster Rassel 

Chapter 16: An Invitation...

SI ORYO......

    “Oh iyan....Masaya ka na?...”sambit ni Hunsel....
    “Pa...Pa...Paano mo nalaman na gusto kong hawakan iyong kamay mo?!.......”
    “Ahmmm...Kasi iyon din ang gusto ko...Kaya nga di rin ako makatulog eh...”
    “HA?!...”
    “Oh c’mon Oryo!...Ngayon pa ba tayo magkakahiyaan...Eh di ba nga nadikit pa tayo ng rugby dati?...Kaya ano ba naman iyong hawakan natin ang kamay ng isa’t isa....”
     “Talaga lang ha...Eh bakit nanlalamig ang kamay mo?...”

Hindi siya nakasagot sa akin at napatitig lamang siya. Sa puntong iyon, kapag nagpatuloy pa na magkahawak ang mga kamay namin ay baka mawala na ko sa aking sarili nang di oras kaya naman nagpasiya ko na mauna nang bumitaw.........

    “Oh bakit?...”usisa niya.....
    “Bakit ka diyan...Baka kung saan pa mapunta to eh...Matulog na nga tayo....Iyong totoo na ha!...”
    “Okay...Fine...”

Nahiga na muli ako sa may supa. Pero ngayon ay pumusisyon ako nang patagilid at nakatalikod mula sa kanya. Baka mapasilay o sulyap na naman kasi ko sa kanya at tuluyan akong di makatulog dahil sa kakakabog ng dibdib ko.

Pero itong si Hunsel naman ay makulit at kinakalabit pa ko. Ano ba naman toh? Parang mas gusto ko pa ata na maging masungit na lang siya ulit sa akin. Syempre, hindi ko naman siya pwedeng dedmahin kaya nilingon ko siya......


    “Ano iyon?....”
    “Nasaan na iyong gudnyt ko?...”nakangisi niyang tanong....
   
Napangiti ako nang di oras sa sinabi niya. Ang lakas din ng trip ng taong toh, grabe........

    “Eh di gudnyt!...”
    “Parang napipilitan eh...”
    “Sige...Uulitin ko para sa iyo...Gudnyt...”malumanay kong sambit...
    “Yun!...Gudnyt din....”

Sa wakas, pagkatapos noon ay nakapagpahinga at nakatulog na rin kaming dalawa.

MAKALIPAS ANG APAT NA ARAW, SI ORYO......

Hindi piniyagan ng doktor si Skylar na magpainterview sa media. Pero sa kabila noon, tinupad pa rin niya ang mga binitawan niyang salita kay Hunsel. Naglabas siya ng opisyal na pahayag tungkol sa pag-amin niya sa mga totoong nangyari at mga ginawa niya sa pamamagitan ng isang sulat.

Hindi rin tumakas iyong nagmamaneho ng sasakyan na nakabundol sa kanila. Hinarap niya ang mga kasalanan niya kaya agad siyang nabigyan ng kaukolang parusa. Sa huli, naging maayos din ang lahat. At ngayong araw, lalabas na si Hunsel mula sa ospital, makakauwi na rin siya ulit sa mansyon.

Kasama ko si Madam, tinutulungan namin si Hunsel na maghanda para sa paglabas. Habang inaayos ko ang mga gamit niya.........

    “Anak...I am thinking of hiring a private nurse....Para sana may mag-aalaga sa iyo habang nagpapagaling ka pa...Ano sa palagay mo?....”
    “Ma...No need for that....Tsaka may nakita naman na po ko na mag-aalaga sa akin eh....”
    “Who?...”
    “Actually, kasama na po natin siya ngayon...”

Napahinto ako sa aking ginagawa at napalingon sa kanila dahil sa aking narinig........

    “Uy teka muna Hunsel!...Bakit ako?!....Ni hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto ko eh....”
    “Ikaw ang gusto kong mag-alaga sa akin kasi sa iyo lang naman ako magiging komportable....Tsaka ikaw ang assistant ko di ba?...Kaya dapat lang na iassist mo ko....”nakangisi niyang sagot....

Alam kong ito na ang pagkakataon para mas lalo kaming magkalapit ng taong mahal ko pero nag-aalangan akong tanggapin ito. Hindi pa rin kasi nawawala sa akin iyong takot na masasaktan kaming pareho, kapag dumating ang oras na kailangan ko nang tapusin ang pagpapanggap ko.

Pero sa kabilang banda naman, hindi ko rin kaya na pabayaan na lamang si Hunsel sa kundisyon niya ngayon......
    “That’s not a bad idea after all....Pumayag ka na iho...”sambit ni Madam....
    “Dali na Oryo...Pumayag ka na...PLEASE!....”dagdag ni Hunsel....

Habang sinasabi iyon ni Hunsel ay nagpapaawa pa pati ang mukha niya. Hindi ko alam kung sinasadiya ba niyang magpacute sa akin pero dahil sa ginagawa niya ay mas nagiging mahirap para sa akin na tanggihan siya. Kaya naman sa kabila ng alinlangan ko, napabuntong-hininga na lamang ako at.......

    “Payag na ko...Ako na ang mag-aalaga sa iyo....”napapangiti kong sagot.....
    “Oh iyan Ma....Problem solved!....”

Pagkatapos noon ay napatingin at napangiti na lamang silang dalawa sa isa’t isa.

KINAGABIHAN, SI HUNSEL......

It was late at inaantok na rin ako kaya nagpasama na ko kay Oryo sa kwarto ko. Nang maiupo niya ko sa may kama ay doon ko lamang naalala na kailangan ko palang magpalit muna ng pantulog. Way back in the hospital, isang nurse ang tumulong sa akin na makapagbihis but now si Oryo ang nurse ko, it means siya ang magbibihis sa akin.

I know ako ang may gusto na siya ang mag-alaga sa akin but I actually forgot that this kind of stuff will come kaya nakakaramdam ako ng hiya. What the heck is happening to me? As a model I’m used to showing off my body pero bakit pagdating kay Oryo nag-iiba ko?.........

    “Ayan...Pwede ka nang magpahinga Hunsel...”sambit niya....
    “Ahmmm...Oryo...May...May nakalimutan ka...”
    “Huh?....”

Sabagay, nakita naman na niya ko dati nang nakabrief lang. Tsaka hindi niya pwedeng mahalata na nagkakaganito ko dahil baka kung anong isipin niya.........

    “Kailangan ko pang magpalit ng pantulog Oryo...”
    “Ay...OO nga pala noh....Sorry...Minsan ulyanin itong assistant mo...”napapakamot sa ulo niyang sambit.....
    “Pakuha na lang sa closet nung pantulog ko.....Tapos tulungan mo na ko.......”

Nagtungo na siya may closet. Pagbalik niya ay agad na niya kong tinulungan.....

    “Okay lang ba sa iyo na gawin toh?...”usisa ko habang tinutulungan niya kong hubarin ang suot kong t-shirt....
    “Bakit naman hindi...Eh trabaho ko naman toh....”
    “Wala lang...Just asking....”

Napansin ko na habang binibihisan niya ko ay panay ang iwas ng mga mata niya mula sa akin lalo na nung nasa pang-ibaba ko na siya. Mukhang naiilang ata siya. Dahil doon ay mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya sa kanya.

Tinulungan na rin niya akong makahiga. Pagkatapos ay......

    “Pasensya na kung kailangan mong gawin ang mga ganitong bagay para sa akin....”sambit ko....
    “Gaya ng sabi ko kanina....Trabaho ko toh...Kaya huwag mo na kong alalahanin.....Ahmmm....Sige na Hunsel...Magpahinga kang mabuti ha?...Para mas bumilis ang paggaling mo....”

Nagpaalam na siya na magpapahinga na rin siya. Pero bago siya lumabas ng pinto ng kwarto......

    “Oryo!...”

Napalingon siya akin......

    “Gudnyt...And...Pahinga ka ring mabuti....”
    “Gudnyt din...”napapangiti niyang sagot....

Matapos iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

KINABUKASAN, SI HYROMIN......

Once in a while, inuutusan ni Mommy si kuya Hunsel na bumisita sa isa sa mga branch ng Amethelli Apparels. Just to check out kung kumusta naman doon. Pero dahil sa kundisyon niya, ako na lamang ang nagprisinta na gawin iyon this time.

Buti naging makulimlim buong araw, hindi mainit kaya hindi rin nakakatamad na gumala, tamang-tama ito. After ng klase ko ay agad akong umuwi para magpalit ng damit. Then, dumiretso na ko sa isang branch namin na nasa isang mall. Gaya ng ginawa ko dati, nagsuot ako ng jacket, shades at cap to disguise myself. Actually medyo nagmamadali ako, balak ko pa kasing makipagkita kay Revy dahil may kailangan akong ibigay sa kanya.

Pero pagdating ko sa branch namin, I was suprised dahil nakita ko siyang nakatayo sa labas. At nang makita ko pa ang ginagawa niya ay halos maubusan ako ng hangin sa kakapigil ng aking tawa. Paano kasi ay ginagaya niya iyong mga posing ko sa mga malalaking poster na nakadisplay sa show window.  Hindi na ko nakatiis, nilapitan ko na siya pero hindi niya ko napansin kaya naman...............

    “Pre astig ba iyong model?....”usisa ko na may kasamang pigil na tawa.......
    “OO!...Idol ko iyan eh!...”sagot niya habang patuloy na ginagaya iyong mga pose ko.....
    “Ako rin eh!...Idol ko rin iyan!...”
    “Talaga?!...”

Doon na siya napahinto at napalingon sa akin. Binaba ko naman ng kaunti iyong shades ko para makilala niya ko tapos ay binalik ko rin agad. Biglang nanlaki ang mga mata niya at....

    “HY!......”

Muntikan na niyang isigaw ang pangalan ko kaya agad kong tinakpan ang bibig niya......

    “Shhh!....Ano ka ba!....Gusto mo bang magkagulo ang mga tao dito?!....”pabulong kong sambit....

Inalis niya ang kamay ko mula sa kanyang bibig at......

    “Sorry!...Teka kanina ka pa ba sa tabi ko?...”
    “Oo....”
    “Nakita mo iyong pinaggagawa ko?!....”
    “Yup...I saw it all...”natatawa kong sagot.....

Hindi ko na napigilang matawa ulit. Habang panay ang tawa ko ay namumula naman siya hanggang sa napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.........

    “Pasensya na Revy...Di ko lang talaga mapigilan ang sarili ko....Ahmmm....Ano nga palang ginagawa mo dito?...”
    “Wala...Naggagala lang...Nagpapalamig...Tapos nakita ko itong mga posters mo at itong tindahan niyo...Kaya ayun....Eh ikaw?...”
    “Binibisita ko lang itong branch namin....Grabe ah...Parang pinagtatagpo talaga tayo lagi....”
    “OO nga eh....”
    “Siya nga pala...Buti na rin at nagkita tayo dito, pupuntahan talaga dapat kita pagtapos ko dito eh....”
    “Huh?...Bakit?...”
    “Dahil gusto kong ibigay toh sa iyo...”

Inilabas ko mula sa bulsa ng aking jacket ang isang kulay puti na envelope at inabot ito sa kanya.....

    “Ano toh?....”usisa niya sabay tanggap sa  envelope....
   
Agad niyang binuksan ito para alamin ang laman.......

    “Ticket iyan para sa Fashion Week...Sa sabado na iyan...Ang gusto ko sana nandun ka kapag rumampa ko Revy....”
     “Teka...Nandun din ba ang pamilya mo?...”
    “Syempre naman...At isa rin pala iyan sa mga rason kaya iniimbita kita...Gusto ko kasing makilala mo na sila....At makilala ka nila...”

I don’t understand why pero natigilan siya at tila nabigla sa pag-iimbita ko sa kanya lalo na nang sabihin kong ipapakilala ko siya sa aking pamilya......

    “Revy....May problema ba?....”
    “Ahmmm....OO!....Eh kasi di naman ako sanay sa mga magagarbong okasyon tsaka wala naman akong damit na susuotion para dun Hyro.....”
    “Hmmm....Damit lang ba ang prinoproblema mo?...Pwes halika!...SUMAMA KA SA AKIN!....”sambit ko sabay hawak at hila sa isa niyang kamay.......

Hihilain ko dapat siya papasok sa Amethelli Apparels pero bigla na lamang kaming hinarang ng guard......

SAMANTALA SI ORYO......

Kagabi halos di na ko makatingin kay Hunsel habang binibihisan ko siya dahil sa matinding kaba. Ni hindi nga ako makapaniwala na nagawa kong malampasan iyon. Pero ngayon, di ko inakala na may mas malala pa palang mangyayari sa pag-aalaga ko sa kanya. Nasa loob kami ng kwarto niya nang sabihan niya ko na.......

    “ANO?!...Gusto mong paliguan kita?!...”gulat kong bulalas....
    “Kumalma ka nga....Di naman literal na paligo ang ibig kong sabihin eh....Sponge bath lang....Dahil bawal mabasa itong mga pilay ko...”
     “Eh!...Kahit na!...Tsaka ano naman ang alam ko sa spongebob na iyan?!...Dapat talaga kumuha ka na lang ng totoong nurse eh....”
    “Sponge bath hindi spongebob!....And I already told you and Mom...Sa iyo lang ako magiging komportable DAHIL GUSTO KITA!...”

Takte! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. At hindi ko rin maiwasan na bigyan ito ng ibang kahulugan kaya natigilan ako. Maging siya rin ay natigilan at napanganga na lamang.......
   
    “Gusto kitang mag-alaga sa akin!...Ikaw!...Iyon ang ibig kong sabihin....”sambit niya sabay iwas ng tingin sa akin....
    “Hmph!...”
   
Bigla siyang napahinto tapos ay nginitian niya ko na para bang nang-aasar siya.......

    “Wait a minute....Di ba sinabi mo sa akin dati na wala kang pakialam kahit na magtanggal ako ng brief sa harapan mo?....Well, prove it to me now!...”

Bwisit! Naaalala pa pala niya iyon. Wala na kong pagpipilian, hindi niya ko pwedeng mabuko, hindi pa ko handa na malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Tsaka sa kabilang banda, pagkakataon ko na ito para makita iyong itinatagong kayamanan ni Hunsel, kaya katangahan naman ata na palampasin ko pa.......

    “Pumapayag na ko...Pero ituro mo sa akin ang gagawin ko ha!...”

BALIK KAY HYROMIN......

    “Sandali boy!...Naninigurado lang....Baka pwedeng alisin mo iyang cap at salamin mo?...”sambit ng guard....

Uh oh...Lagot! Malaking gulo ito kapag nagtanggal ako ng cap at salamin. Hindi ito pwede.....

    “Teka lang po...Bakit po ba?...”sambit ko....
    “Dahil kahina-hinala iyang itsura mo!...At iyang kasama mo, kanina ko pa nakikitang umaaligid sa tapat ng shop!....”

Nagkatinginan na lamang kami ni Revy sa sinabi niya. Mayamaya ay may lumapit sa amin na babae mula sa loob. If I’m not mistaken, siya iyong manager for this branch.......

    “Guard anong nangyayari dito?...”
    “Ito po kasing mga kahina-hinalang batang toh ma’am...Gusto pong pumasok....”

Tumingin iyong manager sa akin, as in inilapit pa niya iyong mukha niya sa akin tapos ay lumingon siya sa isa mga nakadisplay kong poster. Nagpabalik-balik siya ng tingin sa poster at sa akin hanggang sa.......

    “Si...Sir Hyro?...”

Bigla niyang inalis ang cap ko at......
   
    “HYROMIN AMETHELLI!!!...”

Talagang ipinagsigawan pa niya ang pangalan ko. Dahil doon ay nagtinginan ang mga tao, lalo na iyong mga girls na nasa malapit lang. At nangyari nga ang ayaw kong mangyari, pinagkaguluhan ako ng tuluyan ng mga tao. Buti na lamang ay nagmalasakit iyong guard na alalayan ako.

Habang nagkukumahog ang mga tao na magpautograph at magpakuha ng picture with me, I’ve noticed na nawala sa tabi ko si Revy. At that point, bigla ring nawala ang pakialam ko sa mga tao. Parang kong bingi na walang naririnig sa pagtawag nila because all I care about ay ang makita kung saan siya nagpunta.

Pinagala ko ang mga mata ko, hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa  isang sulok. Nagkatitigan kami, ngumiti siya sa akin pero nababakas ko na pilit ito. After that, tumalikod siya at biglang lumakad papalayo.

BALIK KAY ORYO......

Iyon nga, itinuro sa akin ni Hunsel ang dapat kong gawin. Una ay pinakoberan niya sa akin ng plastic iyong kanang branso at mga binti niya, para daw makasiguro na hindi ito mababasa. Nang matapos kong gawin iyon.........

    “Oh iyan....Ano nang sunod?....”usisa ko......
    “Help me take...Take off my clothes....And please...Huwag ka nang magsalita....Kung awkward toh sa iyo, what more to me?...I’m the one whose gonna be naked...At di naman pwedeng di ako maligo....So...Just do it para matapos na toh....”sagot niya sabay iwas ng tingin mula sa akin.....

Gaya ng sabi niya, hindi na ko umimik at tinulungan ko na siyang maghubad hanggang sa ang brief na lamang niya ang natira. Takte, kinakabahan na naman ako, alam kong dapat ginagawa ko ito ng walang malisya pero di madaling magpigil ng sarili.

Eto na, dahan-dahan kong hinawakan iyong garter ng brief niya, paghawak ko ay di ko napigilang mapabuntong-hininga. Nabigla ako, dahil pati siya ay gumanon din. Dahil dun ay napatingin kami sa isa’t isa, nagkangitian hanggang sa natawa na lamang kaming pareho........

    “Haha...Kabado ka rin?...”usisa niya.....
    “Ahmmm....Oo...Eh...”napapakamot  sa ulo kong sagot....
    “Sabi na eh!...Affected kang makita akong hubot’t hubad eh!....Hahaha...”
    “Hahaha...Ikaw din naman sa akin eh!....Oh huwag ka nang magkaila ah!...Umamin na ko sa iyo...Kaya dapat ikaw rin!....Kaya siguro naiinis ka kapag naglilinis ako ng kotse mo nang nakahubad noh?.....”
    “Okay!....Fine!...Tama ka....Masaya ka na?....”
    “Hehehe....”
    “You know what Oryo?....Para tayong tanga eh...Hindi ito ang last time na kakailanganin mo kong paliguan...Lalo’t matagal pa bago ko makakalakad ulit....Kaya dapat, alisin natin itong kaba-kaba at hiya-hiya na toh...Kailangan nating masanay sa isa’t isa...Ano sa tingin mo?...”
    “Sabagay, tama ka diyan....Parte nga rin pala ng trabaho ko toh....So ano?...Tara na?....Spongebob na kita?...”
    “Sponge bath!...Hahaha!...”

Dahil sa pag-amin sa akin ni Hunsel at pag-amin ko rin sa kanya, idagdag pa ang mga ipinunto niya, nawala na iyong kaba ko. Kaya naman naging mas magaan para sa akin na gawin ang trabaho ko. Nagawa kong alisin iyong brief niya nang maayos........

    “Wow ha!...May maipagmamalaki ang halimaw!...”nakangisi kong sambit habang nakatingin sa pagkalalake niya......

Hindi pala magpapatalo ang isang toh sa akin pagdating sa palakihan, kahit kasi malambot pa ay nasa mga 5 inches na ito. Mamula-mula ang ulo at hindi gaanong malago ang buhok dito kaya malinis tignan......

    “Gago!...Nakuha mo pang mang-alaska ha!....Dalhin mo na nga ko sa bathtub ko!....”natatawa niyang sambit.....
    “Pinupuri kaya kita!...Hahaha...”

Binuhat ko na siya papunta sa kanyang banyo. Habang buhat ko siya, pakiramdam ko ay parang magsyota na kami. Tapos nakatingin pa siya sa mukha ko at namumula siya.........

    “Bakit?” usisa ko....
    “Akala ko ba wala nang hiya-hiya?...Eh bat namumula ka?...”
    “Parang ikaw hindi!.....”

Ibinaba ko na siya sa may bathtub. Tapos ay itinuro niya sa akin kung saan nakalagay iyong sponge. Pagkakuha ko nito ay pinakuha naman niya ko ng dalawang palanggana ng maligamgam na tubig tsaka body wash. May heater ang lahat ng banyo sa mansyon kaya di ko naging problema ang pagtimpla sa tubig.

Pagkatapos kong kumuha ng tubig mula sa may gripo sa lababo, pabalik na sana ko sa kanya nang........

    “UY ORYO IYONG BIDET SPRAY!.......”biglang sambit ni Hunsel....
   
Bigla na lang may tubig na tumilamsik sa akin, dahil doon ay nabasa tuloy ang suot kong t-shirt.......

    “Baka...Masagi mo....”pagpapatuloy niya.....

Iyon nga, nasagi ko nga iyong bidet, may ganun din ako sa banyo pero nawala sa isip ko, kaya ito.......

    “SHET!...”sambit ko.....
    “Oh well....Maghubad ka na lang din para quits tayo!...”

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngumisi lang siya sa akin, aba mukhang bale wala na nga sa kanya na makita akong nakahubad. Ano pa nga ba? Naghubad na lang ako ng t-shirt pagkatapos ay binalikan ko na siya.

Pinalagyan niya sa akin ng kaunting body wash iyong isang palanggana ng tubig para bumula. Tapos, inutusan niya ko na isawsaw doon ang sponge at saka dahan-dahang ikuskos ito sa katawan niya. Iyong isa pa daw na palanggana ay mamaya pa gagamitin sa pagbanlaw sa kanya. Hindi naman pala ito mahirap na kagaya ng iniisip ko. Ang mahirap ay iyong katotohan na kay Hunsel ko ginagawa ito. Una niyang pinakuskos sa akin ang kanyang likuran. Habang ginagawa ko iyon ay.......

    “Oryo bat parang nanginginig iyang kamay mo?...”
    “Kamay ko ba o iyang katawan mo ang totoong nanginginig?....Kala mo ha!...Mang-aasar ka pa!...”

Matapos ang kanyang likuran ay iyong braso at kamay naman na walang pilay ang kinuskos ko. Kasunod noon ay ang leeg at dibdib naman niya, hanggang sa unti-unti akong bumaba sa kanyang tiyan. Sa puntong iyon, hindi ko na naiwasan na kabugin na naman, hindi na naman ako makatingin sa kanya nang maayos at pinagpapawisan na rin ako........

ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét