Thứ Năm, 19 tháng 12, 2013

Here and Now (Part 17)

By: Chaster Rassel 

Chapter 17: When Temptation Strikes...

SI HYROMIN......

Humingi ako ng tulong sa guard para makaalis doon, pagkatapos ay nagpasama ko sa kanya para habulin si Revy. Good thing ay naabutan namin siyang pabalabas na.......

    “Revy....Saan ka pupunta?...Bakit naman bigla ka na lang umaalis?.....”
    “Naisip ko kasi na baka nakakaistorbo ko sa iyo....Alam ko kasi na busy kang tao eh....Sige na, balikan mo na iyong fans mo doon sa tindahan niyo....”
    “Tigilan mo nga iyang pagsasalita nang ganyan....”    

Hay, iyon lang pala ang reason niya, pinakaba pa ko. Samantala, inakbayan ko siya nang maghigpit then.....

    “Makinig ka!...I don’t care about them...Hayaan mo nga sila...Hindi naman sila iyong gusto kong makasama eh...IKAW REVY!...Dahil ikaw iyong nagpapasaya sa akin....Kaya itigil mo na iyang pag-eemote mo at bumalik na tayo dun sa may shop, para makapili na tayo ng isusuot mo sa Fashion Week...Okay?...”

After I said that, napapangiti siyang tumango sa akin. Bumalik na kami sa may Amethelli Apparels. Buti naman at nawala na iyong mga tao pero pagpasok namin, binilinan ko pa rin iyong guard para makasigurado.....

    “Guard...Make sure na wala nang makakaalam na nandito pa ko...Ayaw kong maistorbo...Understand?...”sambit ko sabay ngiti kay Revy.....
    “Opo sir...”

Muli kong hinawakan si Revy sa kamay at hinila siya para makapili na siya ng damit.

SAMANTALA SI ORYO......

Ipinagpatuloy ko ang pagkuskos sa kanyang tiyan. Mayamaya ay mayroon akong napansin na naging dahilan para lalo akong pagpawisan, habang siya naman ay namula nang sobra.....
    “Hun...Hunsel....May...May nagagalit...”nauutal kong sambit.....

    “Alam ko....Pa...Pasensya na...Hindi ko mapigilan eh...”
    “Huwag mo sabihing ipapakuskos mo sa akin iyan?!...Baka...Baka masabugan tayo niyan dito...Patay tayo diyan...”
    “HA?!...Gago ka ba?!...Bat ko ipapakuskos sa iyo?!...”
    “Naninigurado lang...”

Buti na lamang ay ayaw niya, dahil kung nagkataon ay baka di ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pa ang magawa ko......

    “Alright...This is my fault....And it’s kinda useless na magpanggap pa ko na hindi apektado sa nangyayari....Dahil hindi naman kayang magpanggap ng titi di ba?...”

Matapos kong marinig mula sa kanya ang salitang magpanggap, bigla akong natauhan. Biglang akong napatahimik, naalala ko kasi na ang dahilan kaya ako nandito ngayon ay dahil sa isang malaking pagpapanggap. Kaya dapat ginagawa ko lang ang trabaho ako at hindi ko dapat hinahayaang maapektuhan ang aking sarili sa ganitong klaseng mga bagay.....

    “What’s wrong Oryo?...Bakit natahimik ka?...”
    “Ahmmm...Hunsel...Okay lang ba kung lumabas mo na ko sandali?....”
    “Sige...Total natapos mo naman na iyong likod at katawan ko eh...Ako na lang dito, kaya ko na toh....Tatawagin na lang kita kapag kailangan mo na kong banlawan...”

Pagkasabi niya noon, agad na kong lumabas ng banyo.

BALIK KAY HYROMIN......

Sa dami ng mga pagpipilian niya ay halos malula siya. Tinulungan ko na rin siya, tinuro ko sa kanya kung ano sa tingin ko iyong mga magaganda at babagay sa kanya. But still, hindi pa rin siya nakapili......

    “Oh ano na?...”
    “Eh Hyro lahat naman ng nandito puro maganda...Ang hirap mamili...Ikaw na lang kaya iyong pumili para sa akin?...Ikaw naman iyong magaling sa ganito eh.....”
   
Humawak ako sa baba ko at nag-isip, hanggang sa......

    “Hmmm...ALAM KO NA!...Hintayin mo lang ako dito ah!...”

Naalala ko iyong isa mga bagong gawang outfit ni Mommy na ilalaunch sa Fashion Week. It’s a white shirt na may abstract na design with a gray sweater na pang-ibabaw, then may kapartner itong cream na pants. Saktong sakto ito para kay Revy and I’m pretty sure na babagay sa kanya. Agad akong pumunta sa may backroom to ask if they already had it in the stocks.

Fortunately, meron na. Nagpakuha ko ng size na kasya sa kanya at agad na bumalik dahil excited akong makita na isuot niya ito......

    “Revy eto na...Halika dali isukat mo!....”
    “HA?!...”
    “Tara na kasi!...”

Dali-dali ko siyang hinila papunta sa may fitting room. Pagpasok namin, agad ko siyang tinulungan.....

    “Dali na!...Isukat mo na!...”
    “Uy!...Teka lang muna Hyro!....”

Sa sobrang excitement ko ay para kong walang narinig sa mga sinabi niya. Hinawakan ko ang suot niyang t-shirt at itinaas ito. Sa bilis ng kilos at kamay ko ay hindi na rin siya nakapalag kaya tuluyan ko itong nahubad mula sa kanya. 

Then boom! Natigilan na lamang ako sa nasilayan ko. Shit naman kasi! Hanep sa katawan itong si Revy!  Slim lang siya pero may muscles lalo na sa chest at abs, idagdag pa iyong moreno niyang kutis. Sa iba siguro ordinary lang ang dating niya but to me, he is so hot! Samantala, habang nakatitig ako sa katawan niya ay namumula naman ang kanyang mukha.........

    “Hoy!...Baka naman matunaw ako niyan!...”sambit niya....
    “Ahmmm...So...Sorry!...”sagot ko sabay iwas na nang titig mula sa kanya.....

He’s actually right, what the heck am I doing anyway? Baka mabisto pa niya na may gusto ko sa kanya nang di oras nang dahil sa pinaggagawa ko........

    “Ah...Eh...Okay...Sa labas na lang ako... “sambit ko....

BALIK KAY ORYO......

Pagkalabas ko ay huminga ko nang malalim, pinilit kong pakalmahin ang aking sarili mula sa tuksong nadarama ko. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin ako mapakali. Ilang saglit pa ay nagpapabalik-balik na ko ng lakad sa may tapat ng pinto ng banyo...........

    “ARRGH!...Magpigil ka Oryo!...Magpigil ka!...Mahal mo siya di ba?...Kaya di ka dapat magpadala....Sinasaktan mo na siya sa ginagawa mong panloloko sa kanya at sa pamilya niya....Huwag mo nang dagdagan pa!....”bulong ko sa aking sarili.....

Ano bang dapat kong gawin? Gusto ko rin namang mabigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging masaya. Pero hangga’t nakalugmok ako sa pagpapanggap na ito, hindi ko maaaring sundin ang ipinipintig ng puso ko.

Mayamaya pa, narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Hunsel. Napahinto ako at muling huminga nang malalim, tapos ay bumalik na ko sa loob ng banyo para tulungan siya.

BALIK KAY HYROMIN......

Naghintay na lamang ako sa kanya sa labas ng fitting room. A few minutes later, lumabas na siya. Napanganga na lang ako pagkakita ko sa kanya, he looks way better than what I expected. At habang naglalakad siya papalapit sa akin, halos mabingi ako sa malakas na pagtibok ng puso ko. Nang makalapit na siya........

    “Ano?...Okay lang ba ang itsura ko?...Bumagay ba sa akin?...”sambit niya na tila ba hindi siya mapalagay sa suot niya....
    “Ang hot mo!...Este...ASTIG!...Astigin ang dating mo!...Ba...Bagay sa iyo iyang damit....Pero may kulang pa....”
    “Ano naman iyon?...”
    “Wait lang...”

Wew, that was close, halos madulas na ang dila ko doon. Kinailangan ko pa tuloy magpalusot para lang makapag-isa ko sandali at magpakalma. Pero nasabi ko sa kanya na may kulang pa, kaya kailangan ay may maibigay ako pagbalik ko. 

Pinagala ko ang paningin ko sa buong shop, hanggang sa matuon ako sa mga tinda naming sumbrero. Tatamang-tama may kulay gray na hat at ternong-terno pa sa damit ni Revy iyong style. Lumapit ako doon para kuhanin ito. Pagkadampot ko nito.....

    “Hmph...Pwede na toh...A hat for a hot guy...Hehehe....”sambit ko habang nakatitig sa hat...

Binalikan ko na siya para ibigay iyong hat.......

    “Ito...Para makumpleto na ang porma mo....Iyo na rin yan...”sambit ko sabay suot sa kanya ng hat.....
After that ay pumunta kami sa tapat ng isang salamin. Sabay naming tinignan ang itsura niya, pero sa likuran lang niya ko tumayo para mapagmasdan niya nang mas maigi ang kanyang sarili....

    “Oh iyan ah...May damit ka na...Kaya wala ka nang dahilan para di makapunta sa Fashion Week....”
   
Bigla na naman siyang natigilan. Mula sa salamin, nakita ko sa mukha nya na meron pa rin siyang hesitation. But why? Ano ba ang bumabagabag sa kanya?.........

    “Oh bakit na naman?...”nangangamba kong usisa....”
    “Ha?...Ahmmm...Wala...”
    “Revy...Kung di mo gusto...Hindi naman kita pipilitin eh...”

He turn around and look me in the eyes. Then kinuha at hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay.....
   
    “Hyro...Alam kong mahalaga sa iyo ang gabi na iyon....Kaya hinding-hindi ako mawawala doon...Pupunta ko...At ako ang magiging number one supporter mo kapag rumampa ka na....Huwag ka nang mag-alala....Okay?...”
   
Napangiti at napatango na lamang ako sa sinabi niya. I can still feel that something is off. Pero nagbitaw na siya ng salita sa akin na pupunta siya, kaya I don’t think may reason pa para pahirapan ko ang sarili ko sa pag-aalala.

Nagbihis na siya ulit at pinabalot ko na iyong mga damit at sumbrero. Then lastly, kinausap ko iyong branch manager para sa mga bilin ni Mommy. Nang matapos ako ay umalis na kami ni Revy at naglalakad-lakad muna sa loob ng mall.....

    “Saan na tayo ngayon?...”usisa niya....

Tumingin ako sa wrist watch ko, maaga pa at nagugutom ako kaya naman naisipan ko na....

    “Hmmm....Ang aga pa eh...What if kung magturo-turo tayo tapos punta tayo sa may tambayan....?”
    “Gusto ko iyan!....Hmph...Namiss mong kumain doon noh?...”
    “Sobra!....Hehe...”

BALIK KAY ORYO......

Pagbalik ko sa banyo, nagpabanlaw na si Hunsel sa akin. Ganun pa rin, pinaggamit niya ulit sa akin iyong sponge. Pero ngayon ay tubig na lang ang nasa palanggana at wala nang sabon. Di gaya kanina, ngayon ay may kontrol na ko sa aking sarili at napansin ko na ganun din siya. Dahil doon ay maayos at madali kaming natapos.

Salamat at nakaraos rin kami. Pinunasan at binuhat ko na siya ulit palabas. Kasunod noon ay binihisan ko na siya. Pagkatapos noon ay nagpunta muna ko sa aking kwarto para ako naman ang makapagbihis. Pagkabihis ko ay binalikan ko na siya.......

    “Oryo...Pasensya ulit sa nangyari kanina sa banyo ah...Nakakahiya ako eh....”
    “Ang mabuti pa, huwag na nating pag-usapan iyon...Tapos na eh...Ang mahalaga ay nalampasan natin...Tsaka at least hindi na tayo magkakaproblema sa susunod......”
    “You’re definitely right...And as long as magtutulungan tayo...Kaya natin...Right?...”
      “OO...”

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay narinig namin ang tunog ng malakas na pagbuhos ng ulan. Napatingin ako sa may bintana, ang lakas ng anggi kaya naman....

    “Isasara ko lang iyong mga bintana ah....Pumapasok kasi iyong tubig sa loob eh....”

Lumapit ako sa bintana para isara ito. Habang nagsasara ko, natanaw ko ang pagdating ng sasakyan ni Madam. Pagkasara ko ng mga bintana ay ipinaalam ko kay Hunsel na dumating na ang mommy niya. Agad siyang nagpatulong sa akin dahil gusto daw niya itong salubungin.

Inilagay ko siya sa wheelchair niya at sinalubong nga namin si Madam sa kanyang pagpasok.....

    “Magandang hapon po Madam....”bati ko.....
    “Good afternoon Ma...Kumusta naman po sa trabaho?...”
    “Ayun...Busy sa preparation for the Fashion Week...How about you?...Kumusta na ang pakiramdam mo?...”sagot ni Madam sabay hawak sa isang pisngi ni Hunsel....
    “I’m good....Actually I’m better...Magaling po kasi iyong nag-aalaga sa akin eh....”sambit ni Hunsel sabay ngiti sa akin.........

Si Hunsel talaga oh, kung anu-ano na naman ang pinagsasabi. Tumingin tuloy sa akin si Madam. Nahiya tuloy ako....

    “Really huh?...I’m glad to hear that....Mabuti na rin at nagkakasundo na kayong dalawa....”
    “OO nga po eh....”sagot ko...
    “By the way Hunsel, where’s your brother?...”
    “Di ba po nagcheck siya ng branch ng Amethelli Apparels...”
    “You mean to say he’s not home yet?!...”
    “No...He’s not...”
    “But I saw his car at the garage....Pati iyong driver niya nandito na rin....”
    “Baka po nagcommute...Ginawa na niya iyon dati eh...”sambit ko....
    “Commute?!...Sa lakas ng ulan sa labas baka mastranded iyong batang iyon, papadilim pa naman na din!...”
    “Well, we better ask the driver first...”suhestiyon ni Hunsel....
    “Ako na pong kakausap sa kanya...”sambit ko...

Sinamahan muna ni Madam si Hunsel, habang ako naman ay pumunta na sa driver. Tinanong ko kung bakit hindi siya kasama ni Hyro. Sinabi niya na pagkagaling daw nila sa mall para magcheck ng branch ay nagpahatid at bumaba ito kasama ang isang kaibigan sa tapat ng isang eksklusibong eskwelahan. Pagkatapos ay pinauwi na siya.

Binanggit niya sa akin iyong pangalan ng eskwelahan. Takte! Ayun iyong nasa harapan ng tambayan! Kaya ibig sabihin ang tinutukoy niyang kaibigan na kasama ni Hyro ay walang iba kung di si Revy!.......

    “Magkasama ang dalawang pasaway na mokong!...” bulong ko sa aking sarili.....

Bago ko umalis ay may inabot sa akin iyong driver, cellphone ni Hyro, naiwan pala niya ito sa loob ng sasakyan. Bumalik na ko kina Madam para ipaalam sa kanila iyong sinabi ng driver. Pagdating ko....

    “Ma...Tawagan niyo na po kaya siya...”sambit ni Hunsel....
    “Hindi niyo siya matatawagan....”pagsingit ko...

Napalingon silang dalawa sa akin, pinakita ko sa kanila na hawak ko iyong cellphone niya.........

    “Ano ba naman iyang batan iyan!...”sambit ni Madam....
    “Ano nga palang sinabi ng driver?...”usisa ni Hunsel....
    “Pagkagaling daw nila ng Amethelli Apparels, nagpahatid daw si Hyro sa isang eskwelehan at may kasama siyang kaibigan....Tapos pinauwi na siya nito....”
    “Did he tell you what school?...Baka pwede natin siyang masundo doon.....”usisa ni Madam....”
    “Opo...Pero ang tanong, nandun pa ba sila?...Eh kanina pa po sila hinatid doon....”
    “Iyong kaibigan na kasama niya, kilala niyo ba?...Baka siya macontact natin....’
    “Wala pong nababanggit sa akin si Hyro tungkol dun Ma...”

Nang sabihin ni Madam iyon ay bigla kong naalala na may cellphone nga pala si Revy. Nagbabakasakali ako na matawagan ko siya kaya naman.....

    “Ah....Excuse me lang po Madam...Ka...Kailangan ko lang magbanyo sandali.....”sambit ko....

Agad akong nagtungo sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Revy.....

    “Revy sagutin mo....Please lang....Sagutin mo!....”

Out of coverage area iyong telepono ni Revy. Sinubukan ko pang tawagan ito ulit ng tatlong beses pero wala talaga. Bumalik na ko sa kanila at sa puntong iyon, talaga namang nag-aalala na si Madam........

    “Please calm down Ma....Hihinto rin naman po iyong ulan eh...And I’m pretty sure, makakauwi nang maayos si Hyro...”sambit ni Hunsel...
    “Tama po siya...Tsaka matalinong bata po si Hyro...Naniniwala po ko na kaya niyang dumiskarte para makauwi o matawagan tayo....”dagdag ko....
    “I hope so....Sana nga...Sana nga tama kayong dalawa...”

Wala naman talaga kaming dapat ipag-alala, dahil nasa mabuting kamay si Hyro. At alam ko, sigurado ko, hindi siya pababayaan ni Revy.

BALIK KAY HYROMIN......

Pagkababa namin sa may eskwelahan ay naglakad na lamang kami papunta sa turo-turo gaya nang lagi naming ginagawa. But while we were eating ay bumuhos ang malakas na ulan. Worse, wala kaming dalang payong o kapote man lang. Kaya nang matapos kaming kumain ay di kami nakaalis at nastranded kami doon. Habang pinagmamasdan namin iyong ulan.....

    “Paano iyan?...Di tayo makakapunta ng tambayan....”sambit ni Revy.....
    “Oo nga eh...Pero okay lang sa akin...”
    “Sigurado ka?...”
    “Oo nga sabi...Alam mo kung bakit?...”
    “Bakit?...”

Lumingon ako sa kanya habang siya naman ay nakatuon pa rin sa ulan.....

    “Dahil kasama kita...Kahit saan pa ko mapadpad, basta’t nasa tabi kita, magiging okay ako Revy...”napapangiti kong sagot....

Bigla siyang napatingin sa akin at unti-unti ring napangiti........

    “Hmph...Nangtritrip ka na naman ah...”
    “Loko siryoso ko...”

I’ve noticed na panay ang himas niya sa magkabila niyang braso at medyo nanginginig siya. Giniginaw siya, kaya naman hinubad ko ang jacket ko at ibinalot sa kanya........

    “Ayan para di ka na ginawin...”
    “Paano ka?...”
    “Huwag mo na kong alalahanin...”
    “Di pwede iyon noh...Alam ko na...Ganiton na lang....”

Sinuot niya iyong kalahati ng jacket tapos ay idikit niya ko sa kanya at isinuot sa akin iyong isa pang kalahati. Malaki iyong jacket ko kaya nagkasya kaming dalawa, pero ang kulit ng itsura namin, para kaming kambal na di maintindihan.......

    “Ano ba toh Revy?!...Para tayong sira....Pagtitinginan tayo ng mga tayo niyan eh...”natatawa kong sambit....
    “Hayaan mo sila....Haha...”
   
Lokoloko talaga itong si Revy at tuwang-tuwa pa sa ginawa niya sa amin. But it’s fine to me, kasi nga magkadikit iyong mga katawan namin kaya feeling ko ay para na rin kaming magyakap sa tapat ng malakas na buhos ng ulan. I know this is not the right time, pero habang nasa ganun kaming posisyon ay bumilis na naman iyong tibok ng puso ko. At mas lalo pang bumilis ito nang mapansin ko na sumisimple na naman sa akin ang mokong, inaamoy na naman niya ko. Lumipas ang halos dalawang oras, dumilim na at hindi pa rin humihinto iyong ulan pero humina na ito. Nagsi-alisan na iyong ibang mga tao sa kainan at halos bilang na lamang sa daliri ang nandito.......

    “Hyro gabi na...Baka nag-aalala na sa iyo iyong pamilya mo....”
    “Eh hindi ko naman sila matatawagan...Naiwanan ko sa kotse iyong cellphone ko at wala ring pay phone dito...Ikaw? Dala mo ba iyong iyo?...”
    “Nasa bahay eh...Di ko na nadala dahil lowbat....”
    “Di rin laging wrong timing iyang cellphone mo noh?...”
    “Pasensya na...”
    “Teka...Malapit lang ba dito bahay niyo?...”
    “Oo...Pwedeng lakarin...HOY! Huwag mong sabihing balak mong magpunta sa amin?!....”
    “Sana...Para pagdating natin doon, iicharge mo na iyong cellphone mo para makatawag ako sa amin.....”
    “Pero Hyro...”tila ngangamba niyang sambit....
    “Dali na!...Minsan lang naman toh eh...Tsaka wala ka namang itinatago sa akin di ba?”
    “HA?!...Wala!...Pero umuulan pa kasi eh...”
    “Mahina naman na...Takbuhin na lang natin....Tara!...”
    “Sabagay...Kailangan ko na ring makauwi...Nababanyo na kasi ko eh....”
    “Hahaha...Iyon pala eh!...Tara na!...”
    “Tatakbo tayo nang ganito itsura natin?...”nakangisi niyang usisa.....
    “Syempre hindi!...Sya nga pala, may extra ka bang sim?...Baka kasi makilala ni Mommy iyong numero ko dati eh....”
    “Tamang-tama meron!...”
    “Iyon!..”

Inalis na namin iyong jacket at iyon na lamang ang ginamit naming pantakip sa mga ulo namin habang tumatakbo. Malapit nga lang iyong kanila mula sa turo-turo dahil mga sampung minuto lang ang tinakbo namin. Maliit lang ang bahay nila, halos malaki lamang ito nang kaunti sa kwarto ko sa mansyon.

Pagpasok sa pinto, dining at kusina agad ang nakatambad at may isang maliit lang na supa na sira-sira pa. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw din ang isang maliit na kwarto na may lumang double deck na kama, iyon siguro ang tulugan nila. Now I understand kung bakit nasabak si Revy dati sa masamang gawain. Hindi pala madali ang buhay niya. Samantala, pumasok si Revy sa kwarto at inilpag niya sa kama iyong paper bag na may lamang mga damit na ibinigay ko sa kanya. Tapos ay bumalik siya agad sa akin....

    “Pasensya ka na sa itsura ng bahay namin ha...”
    “Sinong kasama mo dito?...”
    “Ah...Eh...Ako lang...tsaka...tsaka iyong ninong ko...”
    “So dalawa lang pala kayo...”
    “Ah....Eh...Hyro...Maiwan muna kita sandali....Kailangan ko na talaga kasing magbanyo eh!...”

Tumakbo na siya papuntang banyo. Habang hinihintay ko siya ay bigla na lamang may nagsalita mula sa likuran ko na tila lasing......

    “REVY!!!....”

Na naging dahilan para mapalingon ako........

ITUTULOY.......                                

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét