Thứ Năm, 6 tháng 2, 2014

Here and Now (Part 19)

By: Chaster Rassel 

Chapter 19: Madness In The Show...

SI REVY......

Anak ng tinapa! Hindi ko gusto ang titig ng dalawa itong sa akin! Alam ko kung anong iniisip at binabalak nila......

    “Huwag niyo nga kong tignan nang ganyan!....At tigilan niyo din iyang iniisip niyo dahil hindi ako papayag!...HINDI!!....”
    “Iho please...Pumayag ka na...You’re the only one that can save the show.....”
    “Pasensya na po...Pero....”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Ito kasing si Hyro na nakangiti pa rin sa akin ay bigla na lang sumingit....

    “Ate...Ayusin nyo na po ang dapat ayusin...Ako na pong bahala dito sa bagong model ng Amethelli Apparels....”
    “Te...Teka lang!...”

Parang walang narinig si ate, ngumiti lang siya sa akin at lumarga na.........

    “Hyro ano ka ba!...Sinabi ko nang ayaw ko eh!...Nakakahiya noh!....”
    “Hindi mo ba narinig iyong sinabi ni ate?...You have the look...Very cute at gwapo ka daw....It means you have what it takes para maging model!....Kaya wala kang dapat ikahiya....”
    “Kahit na...”
    “Opportunity toh para sa iyo Revy...”
    “Pero hindi naman ako marunong rumampa eh...”

Tumingin siya sa suot niyang relo, tapos inakbayan niya ko at......

    “Don’t worry...Meron pa naman tayong 25 minutes para magprepare...Akong bahala sa iyo...Sagot kita!...”

Sa puntong iyon, hindi na ko nakatanggi pa. Ayaw ko rin naman kasi na madismaya siya sa akin. Bahala na kung anong mangyari, sa ngayon isang bagay lang ang nasisigurado ko, lagot ako kay kuya Oryo!
Nakalimutan ko pa namang sabihin sa kanya na inimbita ko ni Hyro dito, tapos ganito pa ang mangyayari.Tiyak na sermon ang aabutin ko nito.

NANG MAGSIMULA NA ANG FASHION SHOW, SI ORYO......

Sa kauna-unahang pagkakataon, nanonood ako ng isang fashion nang malapitan. Hindi gaya dati na nakatayo lamang ako sa likuran. At kumpara doon sa show dati sa mall, mas magarbo nga talaga itong Fashion Week. Kahit na mga bata pa, ibang klase na ang dating at tindig ng mga modelo. At imbis na isa-isa, dalawang modelo ang sabay na lumalabas na mistulang nagpapatalbugan sa pagrampa.......

    “Hanep ah!....Para silang nagtatagisan!...”sambit ko...
    “Ganyan talaga dito anually...It’s like the catwalk is turning into a battlefield...”sambit ni Madam.....
    “Hmph!...I wonder kung anong pasabog ang gagawin ni Hyro...”sambit ni Hunsel.....
    “Pang-ilan ba siyang lalabas?...”usisa ko....
    “Malapit na siya...Wait ka lang diyan...”sagot niya....

BALIK KAY REVY......

Madaliang itinuro at ipinakita sa akin ni Hyro ang dapat kong gawin. Kailangan daw ay nakatindig ako sa paglalakad at hindi nakakuba ang likuran. Dapat din daw ay makita ng mga manonood na buo ang loob ko at nag-eenjoy ako sa ginagawa ko at hindi iyong parang nahihiya.

Kung iisipin ay parang ang dali lang ng lahat pero kalaban ko ang kaba dito.....

    “Ano Revy?...Ready?....Malapit na tayo....”
    “Tayo?!...Sabay tayong rarampa?!...”
    “OO...Kailangan dalawang modelo ang lalabas ng sabay eh....At sinabi ko dun sa kapareha ko na makipagpalit sa iyo, nang sa ganun ay ako ang makasama mo at hindi ka mailang....”
    “Ganun pala...”
    “Ay muntik ko nang makalimutan!....Paglumabas tayo mamaya dapat magmukha tayong naglalaban sa pagrampa huh....”
    “ANO?!....”
    “Kaya mo iyan!...Ikaw pa!...Basta sundan mo lang ako...”sambit niya sabay tapik sa braso ko.....

Mas lalo kong kinabahan sa sinabi niya, hindi ko lubos maisip na ang isang tulad ko ay makikipagpaliksahan ng pagrampa sa isang bihasang gaya ni Hyromin Amethelli.

BALIK KAY ORYO......

Mayamaya pa ay.......
    “Oryo...”

Napatingin ako kay Hunsel sa pagtawag niya sa akin.....
   
    “Ha?...”
    “Ayan na si Hyro!....”

Napalingon ulit ako sa may entablado. Sa paglabas ni Hyro ay biglang nagsigawan ang halos lahat ng mga tao. Pero ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga ko dahil ang kasama’t kasabay niya na rumarampa papalapit ay si REVY! At dahil sa labis kong pagkabigla......

    “ANAK NG PITUMPU’T PITONG KILONG PUTAKTE!!!....”bulalas ko....
    “Huh?...”sambit ni Hunsel...
    “Wa...Wala!...”

Ano bang pumasok sa kokote ng mokong na toh?! Tapos hindi man lamang
niya ko nakuhang sabihan na gagawin niya toh!

Nang nasa pinakaharap na sila ng catwalk ay tumingin si Revy sa akin. Base sa titig niya, alam na niya kung anong aabutin niya mamaya sa akin. Si Hyro naman ay nagsimula na sa pagproproject. May suot siyang jacket pero tinanggal niya ito, idinantay niya sa kanyang balikat sabay pose na para bang hinahamon niya si Revy.

Ginaya naman ito ng pasaway kong kapatid, pero may idinagdag siya. Hinila niya pataas ng kaunti iyong suot niyang t-shirt na naging dahilan para lumantad ang kalahati ng abs niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o mabwibwiset sa ginawa niya. Pero naghiwayan muli ang mga tao dahil doon.....

    “WOAH!....That model is good ah!...Nagawa niyang makipagsabayan kay Hyro...I wonder who he is....Hindi ko siya nakita dati nung bumisita ko sa rehearsal nila....”sambit ni Madam.....
    “Yup!...He’s really good....”dagdag ni Hunsel....
    “Pero bakit kaya pinalitan niya iyong dapat na kasama ni Hyro?...”
    “I think something gone wrong Ma....Pero kung anuman iyon, that boy saved the day....And he really nailed it with Hyro...”

Akalain mo nga naman, napahanga niya sina Madam at Hunsel. Sa totoo lang ay magaling naman talaga iyong ginawa niya.

PAGKATAPOS NG SHOW, SI ORYO......


Nagtungo kami sa backstage upang batiin si Hyro. Syempre, hindi na rin ako makapaghintay na magkaharap kami ng magaling kong kapatid. Pero pagdating namin doon, si Hyro lamang ang nadatnan namin.......

    “Bro congrats!....You did very well!...”sambit ni Hunsel....
    “Oh di ba?....No need for Hunsel Amethelli to ramp!...Hahaha....”sagot ni Hyro....

Natawa na lamang kami sa banat niyang iyon, tapos........

    “Nasaan nga pala iyong kasama mong rumampa kanina?...Who is he?....”usisa ni Madam.....
    “Matalik ko po siyang kaibigan Ma...And I invited him here para ipakilala sa inyo...Hintayin lang po natin siya...Nag-cr lang.... ”
    “By the way...Sabi ni Mommy hindi daw siya ang dapat na kasama mo kanina....What happened?...”usisa ni Hunsel....
    “A crew approached me...May model daw na di nakarating....At sakto naman suot niya iyong damit na dapat irarampa nung model na iyon....Kaya siya na lang iyong pinalit dahil gahol na sa oras....Then I requested na sa akin na lang siya ipartner para di siya mailang...”
    “I see...We owe your friend a lot then...Ahmmm...Nagmomodel ba siya dati pa?...Magaling siya eh....”
    “Actually, first time po niyang rumampa....Tinuruan ko lang po siya kanina......”

Nasa banyo pala si Revy. Dahil doon, sinamantala ko na ang pagkakataon habang abala pa sila sa pag-uusap. Pasimple kong umalis para puntahan siya. Pagdating ko, sakto at nakasalubong ko siya na papalabas na......

    “Kuya...”
    “Pasok sa loob!...”

Pumasok kaming pareho sa loob ng banyo upang doon kami makapag-usap nang masinsinan. Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na niya ko ng.......

    “Kuya sorry!...Nakalimutan kong sabihin sa iyo na inimbita ko ni Hyro dito...”
    “Nakalimutan mo iyong ganito kalaking bagay?!...Ano nawala sa isip mo?!....Ang bata mo naman ata mag-ulyanin ha!....”
    “Hin...Hindi naman planado iyong pagrampa ko eh...Nahiya lang akong tumanggi kay Hyro kanina....”
    “Alam ko!...Sinabi na niya sa amin kung anong nangyari kanina....Pero di naman iyon ang punto ko eh!...Revy di mo ba alam kung gaano kadelikado itong ginawa mo?!.....”
    “Kuya, kung ang tinutukoy mo ay iyong pagpapanggap mo....Wala kang dapat ikatakot.....Dahil wala naman silang alam tungkol sa atin eh....”
    “Eh si nong Primo?!....Nakita ka ba niyang umalis nang ganyan ang itsura mo?!.....”
    “Wala siya sa bahay kaya di niya ko nakita....”
    “Hay!....Kahit kailan pasaway ka talaga!....”napapakamot sa ulo kong sambit......
    “Kuya....Ginawa ko lang naman toh para kay Hyro...Alam ko na alam mong mahalaga sa kanya ang gabing ito....Kaya sana maunawaan mo ko....”    “Hmph!....Sabagay...”
    “Anong sabagay?...”
    “Sabagay magaling naman iyong ginawa mong pagrampa....Hindi ko nga inakala na bagay ka palang maging modelo eh....Tsaka....Nakita ko rin kung gaano kasaya si Hyro ngayon.....”napapangiti kong sagot......
    “So hindi ka galit sa akin kuya?...”
    “Hmmm....Magagalit ako kung hindi pa tayo lalabas dito ngayon dahil baka hinahanap na nila tayo!...Hahaha...”

Natawa na lamang kaming pareho, pagkatapos noon ay lumabas na kami ng banyo. Pero paglabas namin, laking gulat namin dahil tumambad sa amin si Hyro.......

    “Nandito ka lang pala kuya Oryo eh!....Bat bigla kang nawala?...Hinahanap kaya ni  kuya Hunsel!....”
    “Na....Nababanyo na kasi ko eh....Pa...Pasensya na di ako nakapagpaalam....”sagot ko....
    “Hmmm....Wait....Bat magkasama kayong dalawa ni Revy?...”
    “HA?!...Ahmmm...So Revy pala ang pangalan niya....Nagkasabay lang kami...”palusot ko.....
    “OO Hyro...Nagkasabay lang kami nitong kuya mo....Teka kuya nga ba?....May isa ka pa palang kuya bukod kay Hunsel Amethelli?!...”dagdag naman ni Revy.....
    “Yup!...Kuya ko rin siya....Siya si kuya Oryo....Ganito kasi iyon....”sagot ni Hyro.....

At habang naglalakad kami pabalik sa backstage ay nagkwento nga si Hyro kay Revy ng tungkol sa kung paano ko dumating sa buhay nila at paano niya ko naging kuya. Sinakyan naman ito ni Revy. Pero ako, di ako mapalagay sa mga nangyayari. Dahil ngayon, harap-harapan ay tuluyan nang nadamay ang kapatid ko sa palabas na toh. Pagdating namin............

    “Nagcr din pala si kuya Oryo eh!....”sambit ni Hyro...
    “Kaya pala biglang nawala....So...Here comes the new model of Amethelli Apparels....”sambit ni Madam.....
    “Kuya Hunsel....Ma.....siya po si Revy....”
    “Magandang gabi po....”bati ni Revy......
    “Gud evening...Alam mo iho, malaki ang utang na loob namin sa iyo.....”
    “Po?!....Bakit naman po?...”nahihiya at nagtatakang usisa ni Revy....
    “Iho you saved our show dahil sa ginawa mo kanina....At sa totoong lang, magaling ka....Kaya naman....”
    “Ma wait....You said new model of Amethelli Apparels...You mean to say.....”napapangiting pagsingit ni Hyro.....
    “Yes Hyro...At iyong nga ang sasabihin dito sa kaibigan mo....”
    “Ahmmm....Hindi ko po kayo maintindihan....”sambit ni Revy.....
    “Gusto kitang pasalamatan sa ginawa mo iho....At bilang pasasalamat....Gusto ko sanang gawing opisyal ang pagiging model mo sa Amethelli Apparels!...Iyon ay kung gusto mo....”
   
Nanlaki ang mga mata ni Revy sa sinabi ni Madam at napasulyap siya sa akin. Maging ako man ay nagulat rin at natameme.......

    “Ahmmmm....”iyon na lamang ang nasambit niya.....
    “Ano iho?...”usisa ni Madam....
    “Dude alam mo, pati ako naimpress sa iyo....And If I were you, tatanggapin ko na iyong offer ni Mommy....Dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon....”sambit ni Hunsel......
    “Sige na Revy!...Tanggapin mo na!...”dagdag ni Hyro.....
    “Ahmmm....Ano po...Ahmmm...”

Hindi siya nakasagot, sa halip ay muli na naman siyang napasulyap sa akin. Sa itsura ng mukha niya ay kitang-kita na naguguluhan siya. Pero kung ako ang tatanungin, hindi dapat tanggapin ng kapatid ko ang alok na ito dahil mas malaking gulo ang idudulot nito sa hinaharap. Kaya lang, gustuhin ko man na pigilan siyang pumayag ay bigla na siyang..........

    “Sige po....Tinatanggap ko po ang alok niyo...”sambit ni Revy.....

Natuwa ang mag-iina sa sinagot niya, pero ako..........

    “Revy! Ano bang pumasok sa kokote mo?!!...BAKIT KA PUMAYAG?!!!....”inis kong bulong sa aking sarili.....

Kasunod noon.........

    “Alright!...I think this means a double celebration....For the successful show and for our new model....So Revy, what about having dinner with us?...It’s our treat!....”sambit ni Madam.....
    “Syempre po Ma!....Sasama po itong si Revy!...”sagot ni Hyro sabay akbay kay Revy.....

Wala na kong nagawa, kaya hinayaan ko na lamang ang mga nangyayari. Mas mabuti pang ibigay ko na lang sa kanila ang gabing ito at saka ko na lamang proproblemahin ang lahat. Inenjoy na ko na lang din ang masaya at masarap na salu-salo namin.

Matapos ang nakakapagod at nakakapraning na gabi ng Fashion Week ay nakauwi na rin kami at oras na para makapaghinga. Hindi ko na muna inisip ang sarili ko at sinamahan ko si Hunsel sa kanyang kwarto para tulungan siyang makapagbihis.

Nang mabihisan ko na siya, napansin ko na ang lungkot ng mukha niya. At bago pa man ako makapag-usisa.....

    “Oryo...Favor naman oh...Kung okay lang sa iyo, baka pwedeng huwag ka munang umalis.....Samahan mo muna ko dito....”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nanatili muna ko. Umupo ako sa tabi niya sa may kama.........

    “Huhulaan ko....Iniisip mo pa rin iyong mga sinabi ng dalawang asungot na nakasalubong natin kanina noh?....

Tumingin lamang siya sa akin at tumango. Pagkatapos noon ay yumuko siya........

    “Alam mo, hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon iyong mga ganung klaseng tao....”
    “Hindi naman ganun kadali iyon eh....Hindi iyon madali Oryo...”sambit niya na may manginig-nginig na boses.....

Ilang saglit pa ay nabigla na lamang ako nang makita kong may luha nang pumapatak sa kubrekama. Hanggang sa tuluyan na siyang tumangis........

    “Sinubukan kong maging matatag....Para sa mommy ko at sa kapatid ko....Dahil ayaw kong maging pasanin sa kanila...Pero sa totoo lang...Tama naman sila eh...Inutil ako!...”
    “Hunsel magtigil  ka nga!...Tigilan mo ang pagsasalita nang ganyan!....”
    “Hindi mo kasi ko naiintindihan eh....Alam mo ba kung anong naramdaman ko kanina nung rumampa sa harapan natin sina Hyro at Revy ha?!...Oo ngumiti ako, pero sa kaloob-kalooban ko, ramdam na randam ko iyong kakulangan ko Oryo!...Hanggang sa natanong ko na lamang sa sarili ko kung babalik pa ba ko sa normal?!...Makakarampa pa ba ko nang gaya ng ginawa nila?!...”
   
Ngayon ko lang nakita si Hunsel na umiyak nang ganito. Ang buong akala ko ay nagawa na niyang tanggapin ang nangyari sa kanya. Iyon pala, pinipigilan lamang niya ang tunay niyang nararamdaman. At ngayon nga, tuluyan na niya itong hindi kinaya.

Masakit sa loob ko na makita siyang nagkakaganito . Kaya dapat ay may gawin ako para hindi na siya panghinaan ng loob......

    “Ano ba naman iyan Hunsel...Kasasabi ko lang di ba?...Tigilan mo iyan!...Kasi walang namang dahilan para magkaganyan ka!....”
    “Pero...”
    “TAHIMIK!....Hindi pa ko tapos!....”

Napatahimik siya at tumitig lamang sa akin.........

    “Unang-una...Hindi ka pabigat sa kapatid at mommy mo , dahil pamilya mo sila!....Pangalawa...Malinaw iyong sinabi ng doktor mo na makakalakad ka ulit pagkatapos ng 6-10 na linggo...Kaya makakabalik ka pa sa pagrampa...At pag nakabalik ka, makikita nung dalawang asungot na iyon kung sino iyong tinatawag nilang inutil!...Kaya umayos ka!....Ilabas mo iyong Hunsel Amethelli na minaha...na hinangaan ko...na naging idol ko...Iyong palaban!...Tama na niyang pagdradrama na iyan, dahil kapag hindi ka tumigil, BABATUKAN KITA!!!.....”

May luha pa ring pumapatak sa mga mata niya. Pero habang nakatitig siya sa akin ay bigla na lamang siyang napahagikgik nang mahina.....

    “Oh bakit?...Anong nakakatawa sa sinabi ko?...”
    “Eh kasi, for the first time, nabaliktad iyong sitwasyon natin....Ikaw ngayon iyong nanenermon sa akin...Hahaha....At....At ang cute pala ng itsura mo kapag nanenermon...Hahaha....”
       
May punto siya, ngayon lang nangyari na ako iyong nanermon sa kanya. Pero iyong sabihin niya na cute ako habang nanenermon, ano naman kayang trip toh? Napangiti na lang tuloy ako sa kanya...... 

    “Hala...Iyak-tawa?...Nababaliw ka na ata eh!...”
    “Ikaw kasi eh....Sige siryoso na ulit....Matanong ko lang....Eh ikaw?...Hindi ka ba nahihirapan sa akin?....Hindi ka ba nabibigatan sa pag-aalaga sa akin....”
    “Syempre minsan nakakapagod rin...Pero hindi ibig sabihin nun eh pabigat ka na....Isa pa masaya naman ako sa trabaho ko sa iyo eh...Kaya huwag mo na kong alalahanin...Dahil nandito lang naman ako lagi at your service!...”nakangiti kong sagot...


Matapos kong sabihin iyon, nagulat na lamang ako dahil bigla niyang isinandal iyong ulo niya sa dibdib ko. Sa posisyon pa lang niya, kung nagagalaw lamang niya iyong isa niyang braso tiyak umakap na siya sa akin. Samantala, kasabay noon ay ang muli niyang pagtangis......

    “Ang sarap pala sa pakiramdam, kapag alam mong may tao na laging nandiyan para siyo...Oryo salamat ha.....Salamat sa pagtiyatiyaga sa akin...Salamat dahil dumating ka sa buhay ko....”

Sa puntong iyon, hindi na ko umimik. Pinagmasdan ko na lamang siya habang hinahayaan kong mailabas niya ang lahat ng bigat nang kalooban na dinadala niya.........

ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét