Thứ Năm, 20 tháng 2, 2014

Here and Now (Part 20)

By: Chaster Rassel 

Chapter 20: The Gift...

SI HUNSEL......

It was already morning, nakatulog pala ko sa kakaiyak. But aside from that, it looks like na may iba pang nangyaring hindi inaasahan kagabi. Dahil nang imulat ko ang mga mata ko, mukha nang natutulog pang si Oryo ang unang tumambad sa akin. I was shocked kaya hindi ako nakakibo.

Instead, dahan-dahan kong tinignan ang itsura at posisyon namin habang pigil naman ang paghinga ko. Naalala ko, napasandal nga pala ko sa dibdib niya kagabi. But what the hell?! Higit pa sa pagsandal ko sa kanya ang posisyon namin ngayon! Dahil nakaakap siya sa akin!

Ang weird, hindi ako makaramdam ng kahit kaunting inis at actually, I felt so good sa pagkakaakap niya sa akin. Napatingin na lang tuloy ako sa mukha niya. At that moment, habang nakatitig ako sa kanya, naramdaman ko na lamang ang matinding pagtibok ng puso ko.......

    “What the?!....Bakit ako nakakaramdam ng ganito kay Oryo?!....Bakit sa kanya pa?!....”bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa kanya......

Ilang saglit pa ay gumalaw siya. Hanggang sa iminulat niya ang mga mata niya. Gising na siya, but I don’t know what to say kaya naman....

    “Good...Good morning?...”iyon na lamang ang nasabi ko....

Napatingin siya sa itsura namin, namula ang mukha niya, pero after that ay bigla siyang bumitaw sa pagkakaakap sa akin at bumangon....

    “Hunsel!...Ah...Eh.....Di ko na kasi alam kung paano ka patatahanin kagabi eh....Kaya inakap na lang kita...Hanggang sa nakatulog ka na pala...Tapos dala na rin siguro ng pagod, nakatulog na rin ako....”napapakamot sa ulo niyang sambit....
    “Oryo relax...I’m not mad....”
    “Pe...Pero....”
    “Pero ano?...”
    “Basta!...Hindi dapat ganito ang nangyari eh...Hindi tama toh!...”
    “Huh?...Ano bang nangyayari sa iyo?...Ang mabuti pa, pumunta ka muna sa kwarto mo....Tapos maligo ka at ayusin mo iyang sarili mo?...Okay?...”
    “Teka...Panu ka?...”
    “Balikan mo na lang ko, I will wait for you...”

After I said that, hindi na siya sumagot at agad na lamang siyang umalis. Pagkalabas naman niya ay napangiti na lamang ako sa hindi ko maintindihan na rason.

SAMANTALA SI ORYO......

    “Ano na naman bang katangahan itong nagawa ko?!...”

Iyon na lamang ang naitanong ko sa sarili ko sabay hawak ng aking kamay sa aking ulo, pagkalabas ko ng kwarto. Hindi na toh dapat maulit pa, hindi na. Naglalakad ako nang nakayuko, kaya naman nagulat ako nang makabangga ko si.......

    “OUCH!...Kuya Oryo naman eh!....”
    “Hyro...Ahmmm....Pasensya na...May iniisip kasi ko...”
    “Teka....Galing ka ba sa kwarto ni kuya Hunsel?....”
    “Ah...OO...”
    “Eh bakit ganyan ang itsura mo kuya?...Tsaka kagabi mo pa suot iyan ah...Huwag mo sabihing.....HALA KA! ANONG GINAWA NIYO NI KUYA HUNSEL HA?!!...”usisa niya na tila nag-aasar......
    “Loko!...Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo!...Bahala ka nga diyan!....”

Para tuluyan na kong makaiwas sa pang-aasar niya, umalis na ko. Mahirap na at baka may masabi ako na hindi naman dapat.

MAKALIPAS ANG TATLONG LINGGO, SI ORYO......

Matapos ang mga pangyayaring iyon, ginawa ko ang lahat para hindi na ito maulit. Bukod doon ay nagpasiya na rin ako na tuluyan nang limitahan ang mga kilos ko. Lalo na ngayon na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Hunsel.

Tinanggal na ang sling mula sa napilayan niyang braso. Ngayon, naigagalaw at nagagamit na niya ito. Nakakaya na rin niyang tumayo at makalakad nang kaunti sa pamamagitan ng saklay. Dahil dito, hindi na rin niya gaanong kailangan ang tulong ko kaya mas naging madali para sa akin na gawin ang napagpasiyahan ko.

Alam ko at nararamdaman ko na nakakahalata na rin siya sa akin. Pero para rin naman sa ikabubuti naming pareho itong ginagawa ko.

SI HUNSEL......

Thanks to Oryo, dahil sa kanya ay nagkaroon ako ng lakas nang loob para makabangon sa kabila ng kalagayan ko. And now, I started to get better. Hindi magtatagal ay makakarampa na rin ako ulit. But this past three weeks, napansin ko na parang inilalayo niya ung loob niya sa akin, para bang umiiwas siya.

It’s kinda unfair na kung kailan unti-unti nang nagiging maayos ang lahat at napapalapit na ko sa kanya ay saka pa siya nanlamig sa akin. Dahil kaya ito sa nangyari sa amin sa kwarto ko? Gustong-gusto ko siyang tanungin kung bakit, pero for some reason, natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin.

SI REVY......

Tuluyan na nga akong napasok sa pagmomodelo. Ilang araw lang matapos ang Fashion Week, nagsimula na ang pagsasanay ko. Mahirap pero okay lang, nagustuhan ko na rin kasi ang ginagawa ko. Napagtanto ko kasi na masaya at masarap pala sa pakiramdam iyong rumampa ka, tapos maraming tao ang natutuwa at napapahanga sa iyo.  At may bonus pa, dahil ang nagtuturo sa akin ay iyong taong mahal na mahal ko, si Hyro.

Hindi na rin tumutol si kuya Oryo. Malaki-laki din kasing halaga ang inalok sa akin ni Madam Mariana kapalit ng pagmomodelo ko. Sabi ni kuya, makakatulong daw ito para mabilis kaming makaipon at mapabilis din ang paglayo namin kay ninong. Tama nga naman, kung makakalayo na kami agad, matatapos na rin ang panlolokong ginagawa namin. Pero kailangan namin mag-ingat, dahil hindi pwedeng malaman ni ninong ang tungkol dito. 

Ilang taon din kaming nabuhay sa pagnanakaw. At inilalagay pa ni kuya ang sarili niya sa alanganin para lang makaahon kami. Ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon na makatulong sa kanya, na kumita ng pera sa marangal na paraan. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na pagbubutihin ko ito.

SI HYROMIN......

Habang tumatagal, mas lalo pang tumitindi at lumalalim iyong nararamdaman ko para kay Revy. The only problem is hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas nang loob na magtapat sa kanya. Ang awkward naman kasi na sa kapwa ko lalake ko gustong magtapat. Kaya kinakabahan ako sa pwede niyang maging reaksyon.

Pero kahit na ganito ang sitwasyon ko, I’m still happy dahil madalas naman kaming nagkikita at nagkakasama, since ako ang modelling teacher niya. And speaking of pagkikita, there is something that’s bothering me. Mula kasi nung gabi ng Fashion Week, nang makita kong lumabas mula sa banyo nang magkasama sina Revy at kuya Oryo, I felt like something is off with the two of them.

At nadagdagan pa iyon, sometimes kasi bumibisita sina kuya sa training ni Revy. Then pansin ko na parang ang bilis naging close nung dalawa. Siguro napaparanoid lang ako. Pero ganun pa man, hindi pa rin mawala sa akin ang pangamba na toh.

ISANG GABI, SI REVY......

Isang araw na naman ng training ko ang natapos. Pagod na pagod ako at gusto ko nang matulog. Pumasok ako sa kwarto para makapagbihis na. Pero bago ko tuluyang magbihis ay tinignan ko muna kung may dumating bang text sa cellphone ko. Wala namang text pero napatingin ako sa petsa. Hala! Birthday ko na pala bukas! Ano ba naman toh, masyado kong naging abala at nakalimutan ko ang sarili kong kaarawan. Mayamaya ay natawa na lamang ako sa sarili ko. Nang biglang........

    “Anong tinatawa-tawa mo diyan?!...”

Si nong Primo! Nabigla ako kaya agad kong tinago sa likuran ko iyong cellphone at humarap sa kanya......

    “Ah...Nong wala po!....May...May naalala lang po ko na nakakatawa....”palusot ko.....
    “Hmph!...Nakabihis ka....Kadarating mo lang din?...”
    “Opo...”
    “Napapadalas ata ang pag-alis mo....Saan ka nagpupunta? Ha?!...”
    “Nong...Wala naman po sigurong masama kung gusto kong maggala...Tsaka po kalayaan ko ang kapalit ng ipinagagawa niyo kay kuya Oryo di ba?...Kaya pupunta po ko kung saan ko man gusto....”
   
Matapos kong sabihin iyon ay hindi nakaimik si ninong. Pero kita ko sa mukha niya na nabwisit siya sa pamimilosopo ko. Tumalikod na ko ulit para magbihis, habang nagbibihis ako......

    “Revy!....”
    “Po?...”
    “Ipapaalala ko lang sa iyo....Hindi pa tapos ng kuya mo ang trabaho niya...Kaya hindi pa buo ang kalayaan mo....KAYA huwag ka ring magkakamaling gaguhin ako!....”
    “Alam ko po iyon nong.....Alam na alam ko.....”

Nagpatuloy ako sa pagbibihis at.....
   
    “Magpakasaya ka na nong....Dahil malapit na kaming mawala sa inyo....”bulong ko sa aking sarili....

Umalis na si ninong at ako naman ay nahiga na sa may kama matapos kong magbihis. Iniisip ko, ano kayang gagawin ko bukas sa birthday ko? Yayain ko kayang lumabas si Hyro? Wala pa kong pera, pero bahala na! Dinampot ko ang cellphone at tinawagan si Hyro......

    “Hello Hyro!....”
    “Oh...Naunahan mo ko sa pagtawag ah...Haha....”
    “Ano kasi....Gusto sana kitang yayain na lumabas bukas....”

Pagkasambit ko noon ay biglang natahimik sa kabilang linya. Nagtaka ko kaya naman....
   
    “Hyro nandiyan ka pa ba?...”
    “Ye...Yes!...Nandito pa ko....Sorry nabigla kasi ko sa sinabi mo eh...”

Nang sabihin niya iyon ay napagtanto ko na.....

    “Nak ng!...MALI!...Ano ba toh...Para pala kong nagyaya ng date....”bulong ko sa sarili ko...
    “Wait....Eh halos lagi naman tayong nasa labas at magkasama ah....”
    “Hindi mo kasi naiintindihan...Ano eh...Birthday ko kasi bukas...”
    “ANO?!!!!!!!!!!.....”gulat at malakas niyang sambit.....

Kulang na lang ay magtalunan ang mga tutule sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Tila bigla siyang naexcite sa nalaman niya........

    “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin toh?!...Sana napaghanda ko!...”
    “Ganito kasi yon....Ahmmm...Huwag mo kong pagtatawanan sa sasabihin ko ah....”
    “Huh?...”
    “Ang totoo...Nakalimutan ko iyong sarili kong birthday...”

Matapos iyon ay nakarinig na lamang ako ng hagikgik mula sa kabilang linya.....

    “Sige lang...Tawa pa....”medyo inis kong sambit....
    “Sorry...Kasi naman eh!...Anong klasing tao naman iyong makakalimot sa sarili niyang birthday di ba?...Haha...”
    “Kasi nga po, masyado tayong naging busy sa training ko!...Kaya nawala na sa isip ko iyon!...’
    “Okay sige...Bukas pagtapos ng klase ko, magkita na lang tayo...Tapos ako nang bahala sa lahat....”
    “Anong ibig mong sabihin?...”
    “Basta!....Itetext na lang kita...Ahmmm...Huwag ka nang mainis sa akin ha?....”
    “Sige....”

KINABUKASAN, SI HYROMIN......

Pagkagaling ng school ay agad akong nagshower. After that ay todo bihis ako. Pero sa totoo lang, I don’t know what the hell am I gonna do later for Revy. Sinabi ko pa naman na akong bahala sa kanya. Kasi naman eh! Late na niyang ipinaalam sa akin!

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si kuya Oryo.......

    “Tol...Bihis na bihis tayo ah!...”
    “Okay lang ba iyong suot ko kuya?...”
    “Sus!...Eh kahit ano namang damit basta ikaw ang nagsuot, nagiging maayos....”
    “Nambobola ka naman kuya eh...”
    “Haha....Eh bakit nga ba todo porma ka ngayon?...”
    “Ah kasi lalabas kami ni Revy...”
    “Ay!...Birthday nga pala nun ngayon noh...”

Nabigla ako at natigilan dahil sa sinabi niya...........

    “Oh bakit bigla kang natahimik?...”
    “Kuya...Paano mo nalaman na birthday ngayon ni Revy?...”
    “Ah...Eh...Na...Nabanggit niya sa akin...OO...Tama!...Na...Nabanggit niya sa akin...Ganun!...”pautal-utal niyang sagot....

What the heck is going on here?! Ang sabi sa akin ni Revy kagabi, nakalimutan niya iyong birthday niya.  Kaya paano niya ito mababanggit kay kuya Oryo?! Tsaka bat parang kinabahan bigla si kuya?! May kaugnayan nga ba silang dalawa sa isa’t isa?!......

    “Oryo!...Oryo will you pls come here!...”pagtawag ni kuya Hunsel....
    “Sige na tol...Tinatawag na ko ng kuya Hunsel mo eh...”sambit ni kuya Oryo sabay alis.....

Hindi ko pwedeng isawalang bahala na lang ang kutob ko at ang nangyaring toh. I need to be extra careful and observant. Darating din ang time at malalaman ko kung ano ba talaga ang totoo.

Despite of what happened, tumuloy pa rin ako sa pinag-usapan namin ni Revy at sinundo ko siya sa mismong lugar nila. Then sa biyahe.....

    “So ano plano mo?...Saan tayo pupunta?...”usisa niya.....
    “Ikaw iyong may birthday di ba?...Kaya ikaw ang magsabi kung saan tayo pupunta at dadalhin kita doon then ako na bahala sa gastos...”

Hindi naman siya kumontra at sinabi niya na sa amusement park daw niya gustong magpunta. Pagdating namin ay excited na excited siya dahil first time pala niyang makatuntong sa isang amusement park.......

    “WOW!!!...Ganito pala dito!...Ang ganda!!...Tara na Hyro sakay na tayo ng rides!!!”

Pero ako, tahimik lamang na nakatingin sa kanya. Nababalot pa rin kasi ako ng pagdududa kaya hindi mapalagay ang kalooban ko. Until napansin na niya ang kilos ko, napahinto tuloy siya and.......

    “Teka nga muna....Kanina pa ko dakdak nang dakdak dito pero para ka lang estatwa diyan...May problema ka ba?...”

I wasn’t able to answer him dahil naguguluhan pa ang utak ko kaya napatitig na lamang ako sa kanya.....

    “Ano?...Kumibo ka naman diyan!...”
    “Ahmmm....”
    “Oh siya!...Kung ayaw mong magsabi, huwag na lang...”

After awhile ay napatingin siya sa kanyang kanan, then bigla na lamang siyang lumakad. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Nilapitan niya ang isang guy na may dala-dalang gitara at kinausap niya toh. Ilang sandali pa ay binigay nung guy iyong gitara sa kanya. Then, lumakad na siya ulit pabalik sa akin nang nakangisi......

    “Buti mabait iyong mama at pinahiram niya sa akin itong gitara niya....”
    “Ano bang balak mo diyan?...”
    “Eh di kakantahan ka para naman mawala iyang pagkabusangot ng pagmumukha mo...”
    “You’re crazy!...Alam mo, isauli mo na iyan dun sa lalake dahil nakakahiya....Tsaka baka pagtinginan pa tayo ng mga tao diyan sa balak mo...Alam mo naman kung ano ko...”
    “Paki ba nila!...Tsaka di ka naman basta makikila diyan sa itsura mo eh...”
    “Hay bahala ka nga!...”

Ang totoo, bigla akong kinabahan. Natatakot kasi ko sa pwede kong maging reaksyon kapag tinuloy niya ang balak niya. I might not be able to control myself at may magawa ako na hindi dapat. Kaya tinalikuran ko na lang siya at nagpanggap na naiinis. Pero nang palakad na ko ay hinarangan niya ko.....

    “Ano ba!...”sambit ko....
    “Oi huwag ka ngang kill joy!...”
    “Revy tigilan mo nga ko!...”muli kong sambit sabay talikod ulit.....

Pero pagtalikod ko ay bigla na siyang tumugtog ng gitara at kumanta. Dahil dun ay dahan-dahan akong napalingon pabalik sa kanya.........

    .....I can’t fight this feeling any longer....
    .....And yet I’m still afraid to let it flow....
    .....What started out as friendship has grown stronger....
    .....I only wish I had the strength to let it show....
   
Shet na iyan! Parang sasabog na iyong dibdib ko sa bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Ang dami naman kasi niyang pwedeng kantahin, bakit iyong ganyang klaseng kanta pa? Nagpapahiwatig ba siya?........

    .....I tell myself that I can hold out forever....
    .....I said there is no reason for my fear....
    .....Cause I feel so secure when were together....
    .....You give my life direction....
    .....You make everything so clear....

At the point, hindi ko na rin magawang gumalaw o kumibo. Naramdaman ko na lang din na pinagpapawisan na nang sobra ang mga kamay ko. Hanggang sa.....

    “Shet ka!...Shet ka Revy!!...Shet kang gago ka!!...Mahal na mahal kita!!!...”bulong ko sa aking sarili....

As he continued singing, unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa kabila ng takot na nararamdaman ko dahil sa mga maaari kong matuklasan tungkol sa kanya, tumagos pa rin sa puso ko ang pagkanta niya. I would like to hear him sing more pero nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao. Kaya naman pinigilan ko na iyong pagtugtog niya para mapahinto na rin siya sa pagkanta..........

    “Ok na...Tama na po...”sambit ko na may kasamang pigil na ngiti.......
    “Di ka na malungkot?...”nakingisi pa rin niyang usisa.....
    “Hindi na...Ikaw kasi eh...Buti pa isauli mo na itong gitara...”napapangiti kong sagot....

Dahan-dahan siyang napatingin sa gitara at ganun din ako. That’s when I noticed na nakahawak pala ang mga kamay ko sa mga kamay niyang nakadantay naman sa gitara. Nahiya ako kaya bigla ko itong inalis at itinago sa likuran ko. Tapos ay napatitig na lamang kami sa isa’t isa hanggang sa natawa na lamang kaming pareho....

    “Hmph!...Sige na isauli mo na!...Para makapaglibot na tayo!...”natatawa ko pa ring sambit....
    “Hehe...Sige teka lang ha....”

Pagkasauli niya nung gitara ay naggala na kami. We spend the night together to celebrate his birthday sa pamamagitan ng pagsakay sa mga rides, pagkain at kung anu-ano pang mga kalokohan hanggang sa malowbat na ang aming mga energy. At the end of the night, pag-uwi ay nagpahatid si Revy sa akin sa may tambayan. Pagbaba namin ng kotse ay naglakad kami papunta sa may entrance ng tambayan. Pagdating doon...........

    “Bakit pala dito ka nagpahatid?...Gabi na ah...”
    “Wala lang...Ayaw ko pang umuwi eh...Dito muna ko, magpapahangin....”
    “Eh di samahan na kita...”
    “Huwag na...Alam ko pagod na pagod ka eh, di ba dumiretso ka kaagad sa akin pagkagaling ng eskwela?...”
    “Oo...”
    “Oh kaya dapat, magpahinga ka na...”
    “Sige na nga, di na kita pipilitin....”
    “Ahmmm...Salamat nga pala sa lahat Hyro ah....Ito na yata ang pinakamasaya kong birthday...At hinding hindi ko malilimutan ang araw na toh....”
    “Nah...Maliit na bagay lang naman sa akin iyong gastos eh...Ang importante, napasaya kita sa mahalagang araw ng buhay mo....Tsaka narinig kitang kumanta! At english pa!!...Hehe...”
   
Napangisi siya at napakamot sa ulo after I said that then.....

    “Ang totoo niyan eh...First time kong kumanta kanina sa harap ng maraming tao...”
    “Weh?!...Pati maggitara?!...”
    “Oo...Nagpaturo lang ako sa kapitbahay namin....Ni hindi ko nga gaanong maintindihan iyong mga salita ng kanta kasi nga ingles...”
    “Sabi ko na nga ba eh!....Hahaha.....
I thought that It was just a coincidence na ganoong klaseng kanta ang kinanta niya para sa akin pero.....

    “Pero alam ko naman iyong mensahe ng kanta...”sambit niya....
    “Ha?!...”
    “Sinabi kasi nung nagturo sa akin na maganda raw iyon para sa taong gusto mo...Este taong pinagpapahalagahan mo!...Kaya yun ang kinanta ko...”
    “Ga...Ganun pala...”

Sinadya niyang kantahin iyon para sa akin. At hindi ako pwedeng makamali, I am sure of what I heard, nadulas siya at sinabi niyang “para sa taong gusto mo”. Ibig sabihin ay gusto niya rin ako........

    “Ay muntik ko na palang makalimutan!...” sambit niya....

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot ito sa akin. Pictures namin ito, napagtripan kasi naming pumasok kanina sa isang photo booth.........

    “Itago mo ang mga iyan para may alaala ka ng gabing ito...Tapos iyong iba, itatago rin...”

Pagkakuha ko sa mga pictures ay nakatulala lamang ako sa kanya. I feel like I’m gonna burst, hindi ko na talaga kaya itong nararamdaman ko........

    “Ah...Ako din...May muntinkan nang makalimutan...”bigla ko na lamang nasambit....
    “Ano?...”
    “Iyong...Iyong birthday gift ko sa iyo...”
    “Regalo?...Naku Hyro ang dami mo na ngang nagawa at nagastos para sa akin ngayon eh....Sapat na iyon....”
    “Hindi...Iba itong regalo na toh Revy...”
    “Sige...Ano ba kasi iyon?...”
    “Ito oh....”

Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata and then..........

    “Happy Birthday Revy!...”

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mainit na paglapat ng mga labi namin sa isa’t isa...........


ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét