Thứ Năm, 3 tháng 10, 2013

Here and Now (Part 11)

By: Chaster Rassel 

Chapter 11: An Unfortunate Event...

SI HUNSEL......

Pumasok ako sa may cubicle at laking pasasalamat ko dahil may tissue. I quickly clean myself para makabalik na ko sa may rehearsal. After that ay lumabas na ko ng cubicle then I look myself at the mirror.........

    “Okay na toh....Di naman gaanong halata na tamod ang dumumi sa damit ko....”

Lumabas na ko ng banyo and on my way ay nakasalubong si ko Oryo. Of all people, siya pa talaga. Nabigla ako but what’s weird is tila mas nabigla siya nang makita ako........

    “SIRRRR!....A...Akala ko po nasa rehearsal na kayo?....Sa...Saan kayo nanggaling?!...”nauutal niyang tanong....
    “Ahmmm...Eh...Nagpahangin lang!....How about you?...Bigla kang nawala sa backstage ah...Where have you been?...”
   
Hindi siya agad nakasagot and I notice that he was blushing a little.....

    “Nag...Naglakad-lakad lang po....Ah sirrrr...Mauna na po ko...Ihing-ihi na po kasi ko eh....Lalabas na kailangan ko nang tumakbo papuntang banyo!....”

After saying that ay umalis at tumakbo na siya. Wew! It’s a good thing that I’m already done messing around. Kung nagkataon na napaaga ang pagpasok niya sa banyo, tiyak na nahuli niya ko, buti na lang talaga.

SAMANTALA SI ORYO......

Takte! Muntikan na ko dun, buti nakaisip ako ng isasagot sa tanong niya. Kinabahan ako, akala ko sa banyo siya nanggaling. Pagpasok ko sa banyo ay dumiretso na ko agad sa may cubicle. Pero laking pagtataka ko dahil wala iyong brief........

    “Anak ng!....BAKIT WALA?!....Nasaan na iyon?!!...”


Sinilip at hinanap ko ito nang mabuti, nahulog lang pala ito sa may likuran ng bowl kaya sa unang tingin ay hindi mo ito makikita. Sa wakas, ito totoo na toh, makakahinga na talaga ko nang maluwag. Pinulot ko na ito at.........

    “Salamat naman!....”

Matapos iyon ay bumalik na ko sa may backstage. Nilagay at inayos ko na sa bag iyong brief ni Hunsel pagkatapos ay nagtungo na ko sa rehearsal para muling manood.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, SI ORYO......

Gabi, lumabas ako mula sa aking kwarto. Magtutungo sana ko sa balkonahe nang mapadaan ako sa may tapat ng kwarto ni Hunsel. Nakakawang ang pinto nito kaya naman natanaw ko siya na kasama si Hyro. Naghaharutan at nagkukulitan silang dalawa. Habang pinagmamasdan ko sila ay napapangiti na napapaluha ako. Bigla kasi kong nangulila kay Revy. Naalala ko kasi na ganyan din kami maglambingang magkapatid. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung hanggang kailan ko pa ba kakayanin itong sitwasyon na pinasok ko. Kung kakayanin ko pa bang tiisin na habang nandito ko ay nag-iisa iyong kapatid ko.

Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay pinahid ko na ito ng kamay ko. Matapos iyon ay umalis na ko. Nagtungo na ko sa balkonahe at dumantay sa may barandilya. Dito na ko nagkaroon ng pagkakataon na makapagmuni-muni.

Makalipas ang kalahating oras ay dumating si Hyro..........

    “Kuya Oryo!...”masaya niyang bati....
    “Oh Hyro...Kita ko kayo ng kuya mo kanina lang ah...Sarap ng harutan niyo...”

Umupo siya sa may tabi ko at nagpatuloy ang aming pag-uusap.......

    “Hahaha....Kulit kasi ni kuya Hunsel eh...Kaya ayun napagod!.....Magpapahinga na daw siya...How about you kuya Oryo?...Bakit parang nagsesenti ka ata dito?!...”
    “Sus!...Huwag mo kong pansinin...Trip ko lang toh....”
      “Really huh....Eh kumusta naman kayo ni sirrrr Hunsel mo?...”tanong niya na tila may bahid ng pang-aasar........
   
Langyang bata toh, iyong tono ng pagtatanong niya eh parang may ibang laman at gustong palabasin kaya tuloy hindi ako agad nakasagot.........
   
    “Sige na kuya....Share share naman diyan...”
    “Hmmm....Di na siya gaanong nagsusungit sa akin...”
    “Oh I see...Eh what is this thing na nasagap ko...Na number one fan ka daw ni kuya Hunsel....May lihim na paghanga hehehe?....”
    “Nagkwento iyong kuya mo tungkol dun?!...”
    “Yeah...He also told me that you already met that insecured moron, Skylar...Pati iyong ginawa nito sa food niya....Thanks nga pala kuya ha...Because of you hindi nakain ni kuya Hunsel iyong food na may mushroom....”
    “Wala iyon...Ginawa ko lang naman ang trabaho ko....”

Naalala ko tuloy na bukas ay magpupunta na naman kami ni Hunsel sa rehearsal. Sana lang ay hindi na biglang sumulpot si nong Primo. At sana din ay wala nang gawing kabalastugan iyong kupal na Skylar na iyon. Balik sa usapan namin.........

    “Hmmm...Trabaho ng alin?...Ng number one fan?...”usisa niya na may kasamang nakakainis na ngiti......
    “Alam mo ikaw bata ka, ang lakas mo din mang-asar eh noh!...Tsaka ano namang masama kung hangaan ko iyong kuya mo?...Eh kahanga-hanga naman talaga siya sa pagrampa...”
    “Uy!...Defensive siya!....Hahaha....”

Wew! Iyong paghanga ko pa lang ang nalalaman niya eh grabe na siya mang-asar, paano pa kaya kapag nalaman niyang in love ako sa kuya niya. Tiyak katakot-katakot na pang-aasar ang aabutin ko. Pero sige, asaran ang gusto niya, pwes iyon ang ibibigay ko.........

    “Eh ikaw naman bata!...Balita ko may sarili kang rampa sa Fashion Week ah...Tiyak titilian ka na naman ng mga chicks niyan!....”
    “OO kuya!...Kanina nga iyong rehearsal namin eh....Don’t worry...Yakang-yaka toh...Ako pa!...Inspired yata toh...”
    “Hmmm...Inspired?!....At sino naman ang inspirasyon mo aber?!...”mapang-asar kong usisa......

Tignan mo nga naman, mukhang nahuli ko ang mokong. Bigla kasi siyang natigilan at namula sa tanong kong iyon.........

    “Hala!...May ganun?!...Porket inspired eh tao na agad ang rason?...Di ba pwedeng bagay muna?...”bigla niyang sagot...
    “Hahaha...Hoy bata!...Kilala kita...Bukod sa modelling eh video games lang ang interest mo at imposible naman na mainspire ka sa games kaya sigurado ako na tao iyan!....”
    “Ahmmm....Eh....Kasi....”napapakamot sa ulo niyang sambit habang namumula pa rin.....
    “Oh ano?!....Hehehe....Baka naman pwede kong makilala iyang inspirasyon ni Hyromin Amethelli ah....Ayeeeeee!....”
    “Kuya Oryo ah...Gumaganti ka sa pang-aasar ko!...”
    “Ahahaha!....Wala ka pala eh!....Hahaha....”

Hay, buti na lang nandiyan si Hyro. Laking pasasalamat ko dahil nagkaroon ako ng pangalawang bunsong kapatid sa katauhan niya.

KINABUKASAN, SI ORYO......

Nang dumating kami sa may rehearsal, nasa pasukan pa lamang kami ng backstage ay napansin ko na tila pinagtitinginan ako ng mga tao, di ko alam kung bakit. Hindi ko gusto ang mga titig nila dahil may bahid ito ng pangungutya.......

    “Oryo...Something is not right in here...”sambit ni Hunsel....
    “OO nga sirrrr eh...Ang sasama ng titig nila sa akin....”

Tumuloy na kami, nakakailang hakbang pa lang kami nang bigla akong makarinig ng nagbubulungan. Napalingon ako dahil malinaw ko kong narinig ang pinag-uusapan nila, iyon ay walang iba kung hindi kaming dalawa ni Hunsel. Kesyo magnanakaw daw ako at may assistant si Hunsel na isang kawatan. 

    “Huwag mo na lang silang pansinin Oryo...Let’s go...”muling sambit ni Hunsel......

Kahit na di ko sila pansinin ay hindi pa rin ako makakampante. Sa puntong ito kasi ay hindi iyong sarili ko ang inaalala ko, kung di si Hunsel. Nang dahil sa akin ay nagiging masama ang tingin ng mga tao dito sa kanya. Lumakad na kami, pagkaupo ni Hunsel sa pwesto niya......

    “How the hell did they know who you are?...Ang alam ko ginawan na ni Mommy at ng mga pulis ng paraan toh para hindi lumabas sa public.....”
    “Maliban na lang po sirrrr....Kung may iba pang taong nakatuklas ng tungkol sa akin....”
    “What do you mean?...”

Sa kalagitnaan noon ay naputol ang aming usapan dahil dumating ang director at nilapitan kami.....

    “Hunsel Amethelli...May I speak with you for a moment?...”

Lumingon at tumingin nang masama sa akin iyong director at....

    “Privately....”
Tumingin sa akin si Hunsel, matapos iyon ay tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan......

    “Wait for me here Oryo...Don’t worry.....”sambit niya na may kasamang pilit na ngiti....

Matapos iyon ay sumama na siya sa director. Kinukutuban ako nang masama dito. Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayari pang hindi maganda.
   
SAMANTALA SI HYROMIN......

Naglalakad ako papasok sa may tambayan, medyo nagmamadali ako dahil naghihintay na sa akin si Revy. Then suddenly, I felt like someone is following me kaya napahinto ako. After awhile ay nasunduan iyon ng isang kaluskos mula sa aking likuran kaya napalingon na ko.

But then, wala naman akong nakita kaya lumingon na ulit ako papabalik. Paglingon ko, nagulata ako dahil biglang nasa harapan ko na si Graham. Then from my back, lumabas ang mga kasamahan niya at hinawakan ako sa magkabila kong braso making me unable to move........

    “Hawakan niyong mabuti ang gago na iyan ha!...”galit siyang sambit....
    “Graham anong ibig sabihin nito?!...”
    “Nakapagtataka....Ang isang Hyromin Amethelli...Nagpupunta sa isang liblib na lugar....Hmmm....”
    “Wala ka nang pakialam kung saan ako magpunta!....Pakawalan niyo nga ko!!....”inis kong sambit......
    “Hmph!...Sorry but I won’t!....Not until matapos akong gantihan ka ngayon!....”
    “Ganti?!...What the heck are you talking about?!....”

Ikinuwento niya sa akin na nag-usap daw sila ng girlfriend niya after what happened last time. Nag-away pala sila because of it then the girl decided to broke up with him. Ang di ko maintindihan ay kung bakit parang ako ang sinisisi niya sa nangyari sa kanila.....

    “Hmph!....Na naman?!...WE’RE IN THIS KIND OF CRAP NA NAMAN!!!....At ano naman ang kinalaman ko sa pagbrebreak niyo ha?!...”iritable kong usisa.....
    “MALAKI!!!....”

Bigla niya kong hinawakan nang madiin sa mukha ko at............

    “Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin nung nakipaghiwalay siya ha?!....Inamin niya na mas gusto ka niya kaysa sa akin!...Na sana ikaw na lang ang naging boyfriend niya at hindi ako!!...ONCE AGAIN, IKAW NA NAMAN IYONG MATINO AT MAGALING NA LALAKE!!!...”
    “Hmph!.....You know what?!....I cannot blame her if she realized na hindi niya dapat nagustuhan ANG ISANG GAYA MO NA MAKITID ANG UTAK!!!...”
    “Matalas ang dila mo ah!....Ang dapat sa iyo...BINABASAG ANG PAGMUMUKHA PARA WALA NANG MAGKAGUSTO!!!!.....”

Galit na galit talaga siya sa akin. Matapos niyang sabihin iyon ay bumuwelo siya para suntikin ako.

BALIK KAY ORYO......

Gaya ng sinabi ni Hunsel ay naghintay lamang ako sa kanya. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin mawala-wala iyong masama kong kutob. Pagkalipas ng kinse minutos ay bumalik na si Hunsel. Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay kitang-kita ko ang bahid ng kalungkutan sa mukha niya. At nang makalapit na siya sa akin, napansin ko na mamasa-masa pa ang mga mata niya........

    “Sirrrr bakit?...Anong nangyari?...”
    “Si direk...He wants me out of the show....Because of these issues that came out....”nanlalambot niyang sagot....
    “ANO?!...Pwede ba iyon sirrrr?!....Hindi po ba ang fashion show na toh ay show ng Amethelli Apparel para sa Fashion Week?!...Amethelli Apparel na pag-aari ng nanay niyo...Anak kayo ng may-ari kaya paano niya nagawa toh sa inyo?!.....”
    “That’s exactly what I told him...That he cannot kick me out of my own show....But that jerk doesn’t want to listen to me...”
    “Sirrrr...Dapat malaman ni Madam itong nangyayari ngayon....”
    “I already called her...Papunta na siya ngayon dito...Kakausapin daw niya si direk.....I still don’t understand kung paano nakalabas sa mga tao dito ang tungkol sa iyo....”
    “Iyon nga iyong dapat sasabihin ko sa inyo kanina sirrrr....Ayaw ko sanang magbintang...Pero may isang tao na nakatuklas o tumuklas nito...Isang tao na makikinabang at matutuwa nang sobra oras na bumagsak kayo....”
   
Sa mga oras na toh ay isang tao lamang ang pinaghihinalaan kong may kagagawan nito.........

    “Skylar Van Der Bren....”pabulong na sambit ni Hunsel......
    “Siya nga ang tinutukoy ko sirrrr...”


Napansin ko na parang biglang nanggigil itong si Hunsel. Tapos ay napayuko siya at....

    “This is too much!...Ginamit at dinamay ka pa niya sa issues namin....All for the sake of pulling me down to the ground!...”

Habang nakayuko siya ay nakita kong pinahid niya ang kanyang mga mata. Bigla na lamang siyang tumalikod at lumakad. Parang alam ko na ang balak niyang gawin kaya naman sumunod ako at......

    “Sirrrr Hunsel!....Baka lalo lang kayo magkagulo kapag itinuloy niyo iyang balak niyo!....”
   
Napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.......

    “NO ORYO!...Hindi ko kayang palampasin toh....Stay here...Abangan mo si Mommy...I’m gonna find Skylar...MAGTUTUOS KAMI!!!...”

Hindi ko na siya napigilan pa, tuluyan na siyang lumakad at umalis.

BALIK KAY HYROMIN......

Pero ni hindi nagawang lumapat ng kamao ni Graham sa akin. Bigla kasing may kamay na humarang at sumalo diito. Ang kamay na iyon ay walang iba kung di kay.......

    “Re...Revy!...”

Habang hawak pa niya ang kamao ni Graham ay bigla niyang pinilipit ang braso nito dahilan para mapasigaw toh sa sakit at saka niya ito binitawan. Tapos ay lumingon siya sa amin....

    “Bitawan niyo siya!....Ang sabi ko, BITAWAN NIYO SI HYRO!!!...”galit na sambit ni Revy......

The two guys let go of me then hinila ko ni Revy papunta sa kanyang likuran at....

    “Diyan ka lang sa likod ko Hyro ha...”
    “Revy let’s go!...Umalis na tayo...Huwag mo na silang patulan baka saktan ka pa nila!...”pag-aalala ko....
    “HINDI TAYO AALIS!...Dahil tuturuan ko pa ng leksyon ang mga kumag na toh!....”

Lumapit si Graham kay Revy at nagtitigan sila nang masama.........

    “Tuturuan ng leksyon?!...Nagpapatawa ka ba?!...Sino ka bang pakialamero ka?!...HA?!...”inis na usisa ni Graham....
    “Kaibigan ako ni Hyro...Alam niyo kayo, ang duduwag niyo din eh noh!...Di kayo marunong lumaban ng patas!!....Pinagtutulungan niyo ang nag-iisang tao!!!....”sagot ni Revy...
    “Graham upakan na natin iyang mayabang na iyan oh!...”sambit ng isa sa mga kasama ni Graham......
    “NO!!!...Huwag kayong makikialam!...Leave this to me...AKIN ANG ISANG TOH!!!...”sambit ni Graham....
    “HMPH!!!...Graham ang panglan mo?!...Eh paano kaya kung gawin kitang CRUSHED GRAHAM!!!...”
    “Maangas ka ah!...PAGBABAYARAN MO NGAYON IYON GINAWA MO KANINA SA AKIN!!!...”

Tuluyan na nga silang nagkasakitan. At that point akala ko si Revy ang magugulpi. But it seems like na kabaligtaran nito ang nangyayari. Ni hindi makatama si Graham sa kanya, nagagawa niyang ilagan lahat ng gawin nito sa kanya effortlessly. I was kinda suprised dahil I’ve never seen this side of Revy before. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Sa bandang huli, si Graham ang siyang bumulagta at nabugbog. Isang beses lang natamaan si Revy, sa pisngi ito at daplis pa..........

    “Hmph!...Sabi ko naman sa iyo gagawin kitang Crushed Graham di ba?!...Itong tatandaan mo ha! Oras na galawin mo ulit si Hyro, MAS HIGIT PA DIYAN ANG IPALALASAP KO SA IYO!!!...”inis na sambit ni Revy.....

Lumingon si siya sa mga kasama ni Graham at.........

    “Kayong dalawa!...ANO?!...Gusto niyo ring madurog?!...”

They didn’t even dare na pumalag pa kay Revy. Instead ay tinulungan na lamang nila si Graham. After that, they quietly left the place.

SAMANTALA SI HUNSEL......

Nagpunta ko sa main entrance. Naisip ko kasi na tanungin muna ang guard dahil baka nakita niyang lumabas si Skylar. Papalapit na ko sa may guard nang mapalingon ako sa labas at makita ko siya na nakikipag-usap sa cellphone. Agad akong lumapit sa kanya, paglapit ko, di sinasadiyang narinig ko ang sinasabi niya sa kanyang kausap.........

    “Yeah uncle...Buti na lang at may uncle ako na pulis...Thanks talaga sa info about sa assistant ni Hunsel Amethelli ah...Because of it, nagkaroon ako ng alas para tuluyan siyang maalis sa landas ko....”

After hearing that ay wala na kong kailangan pang itanong sa kanya. Dahil sa bibig na niya mismo nanggaling ang katotohanan. Kaya naman nang ibaba niya ang phone.........

    “So it’s true!...Ikaw nga ang nasa likod ng lahat ng ito!...”inis kong sambit....
   
Napalingon siya sa akin and then........

    “Oh Hunsel...Feeling so stressed?....So how does it feel na you’re getting kick out of your own show?....”sambit niya na may kasamang ngiti.....

After all the things he did nakukuha pa niya kong ngitian. Gigil na gigil na talaga ko sa kanya kaya hinila ko siya sa kanyang damit at......

    “Sumusobra ka na Skylar!...Pinalampas ko iyong ginawa mo sa pagkain ko last time!!....But now, I’m not gonna let you get away from what you did!
    “Hmph!...Why?...Masama bang sabihin ko sa lahat kung ano ang totoo?!....”
    “THAT’S BULL!...Kung may issues ka sa akin, ako dapat ang tirahin mo!...Huwag kang mangdamay ng taong inosente at wala kinalaman sa gulo natin!!....”
    “Since when naging inosente ang isang magnanakaw na tulad ni Oryo?! HA?!....”
    “Subukan mo lang ulitin iyang sinabi mo!!!....”
    “Your assistant, Oryo is a thief!...MAGNANAKAW SIYA!!!...MAGNANA....”

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla ko na siyang sinuntok nang malakas...........

ITUTULOY......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét