Chủ Nhật, 13 tháng 10, 2013

Here and Now (Part 12)

By: Chaster Rassel 

Chapter 12: The Accident...

SI HYROMIN......

Pumasok na kami ni Revy sa tambayan. Tapos na iyong gulo but still, I can’t help myself from worrying for him. Kaya nang dumating kami sa may tapat ng puno......

    “Revy...Patingin nga nung tama mo sa pisngi...Sabi ko kasi huwag mo nang patulan si Graham eh....”

I was about to touch his cheek pero umiwas siya at umatras mula sa akin.......

    “Hindi mo na kailangang gawin iyan...Ayos lang ako....Nakita mo naman kung anong ginawa ko doon sa kumag na iyon di ba?!...”
    “OO...Actually, nasurprise ako....”
    “Hmph!...Para namang di mo alam kung ano ko dati......”
    “OO nga pala noh...Mas tarantado ka nga pala dati kaysa sa kanila...Hahaha...”natatawa kong sagot....
    “Hyro walang nakakatawa sa nangyari!...Bakit kasi di mo sinabi sa akin na may nambubusga pala sa iyo ha?!....Matagal na bang nangyayari toh?!”
    “Okay! Ganito iyon, si Graham, inis iyan sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagbrebreak nila ng girlfriend niya and yes, dati pa nagsimula toh....Alam mo naman ang katayuan ko di ba?...Mahirap maging pogi....”
    “Eh kung bigwasan kaya kita diyan!...Langyang iyan!...Muntikan ka na ngang mapahamak nakukuha mo pang magbiro!...”
    “Wait....Bakit ba ang sungit mo?...Bakit ka ba nagkakaganyan?....”

    “Kasi sobra kang mahalaga sa akin Hyro!....Kung ikaw ang nasa posisyon ko kanina, hindi ka ba mag-aalala?!....Hindi mo ba gugustuhing ipagtanggol ako sa mga umaaway at nananakit sa akin?!....”

After I heard that ay natigilan ako. Hindi ko inakala na ganito na pala ang pagpapahalaga niya sa akin. Naguiguilty tuloy ako sa inasal ko dahil naging insensitive ako.....

    “Sorry Revy ha....Hindi ko kasi agad naunawaan iyong nararamdaman mo...Alam mo, mahalaga ka rin naman sa akin eh...Kaya nga di ko na ipinaalam sa iyo iyong issue namin ni Graham para di ka na madamay....But look, wala namang nangyari sa akin di ba?...Nailigtas mo naman ako.........”
   
Bigla siyang natamik at tumitig lamang sa akin. Nakabusangot pa rin ang mukha niya but it doesn’t seem like na galit talaga siya. Then after a moment.....

    “Kabwisit ka rin eh noh!...Halika ka nga dito!...”napapakamot sa ulo niyang sambit....
    “Huh?...Bakit?...”
    “Basta lumapit ka na lang!...”

Lumapit ako sa kanya, paglapit ko ay nagulat na lamang ako dahil bigla niya kong niyakap nang mahigpit....

    “Gago ka talaga!...Paano kung di ako lumabas ng tambayan kanina?!...Eh di tuluyan kang napahamak!...Tinakot mo ko eh!...Huwag mo nang uulitin iyon ah!...”

Shet! Ni hindi ako nakakibo sa ginawa niya! Hindi rin ako makapumiglas because I’m liking it. Ang sarap naman kasi nung yakap niya at ang init sa pakiramdam. At habang nakayakap siya sa akin ay walang kasing bilis iyong tibok ng puso ko.

At that point, nahanap ko na finally iyong sagot sa mga katanungang gumugulo sa isipan ko. Mga katanungang tungkol sa pagkatao ko at sa nararamdaman ko para kay Revy. Matapos kong makita kung paano niya ko ipinagtanggol kanina and now this, sigurado na ko, mahal ko si Revy, mahal ko siya.

SAMANTALA SI HUNSEL......

Muntikan siyang matumba sa suntok ko, sa nguso ko siya tinamaan kaya nagdugo ito. Pinahid niya ang kamay niya dito at......

    “You’re gonna pay for that!...”inis niyang sambit....

Sinugod niya ko at ginantihan din ng suntok. Sa mukha din niya ko pinatamaan. Agad niyang sinundan iyon ng isa pang suntok dahilan para matumba ako. He was about to attack me again pero nagawa ko siyang sipain kaya napaatras siya.

At the point, lumabas na iyong guard para awatin kami. Hinawakan at pinigilan nito si Skylar dahil susugurin na naman niya ko. Dahil doon ay nagkaroon ako ng chance na makabangon. Pero pagbangon ko ay siniko niya iyong guard kaya nakawala siya.
Pagkatapos noon ay tinulak at ibinalandra niya ko sa may kalsada. Hindi pa siya nakuntento, lumapit siya sa akin at nag-akmang susuntukin na naman ako. 

SAMANTALA SI ORYO......

Ang tagal ni Hunsel, kinakabahan na ko baka may ginawa na sa kanya iyong kupal na iyon. Di na ko makatiis kaya sinundan ko na siya. Naisip ko na sa main entrance muna magtungo dahil baka sa labas siya nagpunta. Hindi nga ako nagkamali, dahil pagdating ko ay nakita kong nakabanladra si Hunsel sa may kalsada at susuntukin siya ni Skylar. May gwardiya doon pero tila sinaktan din siya ni Skylar para di makaawat.

Hindi na ko nag-aksaya ng oras, agad akong tumakbo papunta sa kanila para tulungan si Hunsel. Pero isang humaharutrot na sasakyan ang paparating kaya napahinto ako at............

    “SIR HUNSELLLLLLLLLLLL!!!!!!.....”malakas kong hiyaw.........

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, nabundol si Skylar ng sasakyan habang nagawa naman ni Hunsel na gumulong papunta sa kabilang side ng kalsada. Pero tinamaan pala siya sa kanyang kanang braso at mga binti, tapos ay duguan siya. Mangiyak-ngiyak akong tumakbo papunta sa kanya para tulungan siya. Habang ang gwardiya naman ay lumapit kay Skylar.

BALIK KAY HYROMIN......

Sa gitna ng masarap at mainit na yakap sa akin ni Revy ay bigla na lamang akong nakaramdaman ng matinding kaba. Because of it ay naitulak ko tuloy siya papalayo.......

    “Bakit Hyro?...Galit ka ba sa ginawa ko?...”
    “No Revy...Ahmmm....”

Napaupo ko sa may ilalim ng puno at sumunod naman siya sa akin......

    “Ayos ka lang ba?...”
    “Actually no....Bigla na lang kasi kong kinabahan nang matindi eh...”

Then tumunog iyong cellphone ko, si Mommy tumatawag. I don’t know why pero I’m really having a bad feeling kaya agad ko itong sinagot.......

    “Hello Ma?....”

Si Mommy umiiyak! Mas lalo tuloy akong kinabahan. Then she told me na isinugod daw si kuya Hunsel sa ospital!.......

    “WHAT?!!!...Saang ospital po?!...”

After she said kung saang ospital ay tinanong ko naman siya kung ano bang nangyari kay kuya. Pero hindi niya ko sinagot, sa halip ay sinabi niya na magpunta na daw ako doon agad at doon na niya ipapaliwanag. Pagkababa ko ng phone...........

    “Revy...I need to go...Iyong kuya ko kasi sinugod sa ospital....”
    “Naiintindihan ko...Sige puntahan mo na siya....Ingat ka ha...”

BALIK KAY ORYO......

Nasa loob na ngayon ng emergency room sina Hunsel at Skylar. Hindi namin alam kung ano nang nangyayari kaya di kami mapalagay ni Madam. Dumating din iyong nanay ni Skylar. At mayamaya pa ay dumating na rin si Hyro. Agad siyang lumapit kay Madam......

    “Ma what’s going on?!....Anong pong nangyari kay kuya Hunsel?!!...”

Naipaliwanag ko na kay Madam ang mga nangyari kaya siya na lamang ang hinayaan kong magkwento nito kay Hyro. Hindi na rin napigilan ni Hyro na maging emosyonal matapos na marinig ang lahat........

    “But kuya Hunsel is going to be fine di ba?....Iyong doktor po ba may sinabi na?...MA PLEASE TELL ME!....”mangiyak-ngiyak na sambit ni Hyro...

Hindi nakasagot si Madam dahil nga di pa lumalabas iyong doktor. Sa halip ay inakap na lamang niya si Hyro. Samantala, hindi ko naman naiwasang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Dahil tungkol sa akin ang pinag-ugatan nung gulo kanina. Kasi naman eh, kinukutuban na nga ako nang masama pero hinayaan ko pa rin siya. Siguro kong sinamahan ko lang siya o kung mas maaga lang sana kong lumabas para sundan siya, hindi siguro nangyari ang lahat ng ito. Ako pa mismo ang naging dahilan para masaktan iyong taong mahal ko.

Mayamaya pa ay lumabas na ang mga doktor. Agad kaming nagsilapitan sa kanila at.......

    “Doc how’s my son?...”usisa ni Madam....”
    “Wala na ho kayong dapat ipag-alala kay Hunsel, pero nagtamo ho siya ng mga fractures sa legs and sa right arm....Dahil doon di na muna niya magagamit ang right arm niya at pansamantala siyang di makakalakad....”

Salamat naman at ayos na si Hunsel. Kahit paano ay napanatag ang kalooban ko........

    “Eh doc gaano naman po katagal bago makakalakad ulit iyong kuya ko?...”tanong ni Hyro.....
    “Pinakamabilis na ang 6 weeks at 10 weeks naman ang pinakamatagal para bumalik siya sa normal....Though after 5 days pwede na siyang madischarge at sa bahay na lamang siya magpagaling....”

Matagal-matagal din pala bago gumaling si Hunsel. Samantala, nag-usisa din ang nanay ni Skylar tungkol sa kanyang anak. Sinabi ng doktor nito na dadalahin daw siya ngayon sa operating room. Kailangan daw siyang maoperahan dahil bukod sa mga bali sa buto ay may tama daw siya sa spine. At delikado kung di ito maisasagawa agad. Matapos iyon ay sumama na toh sa doktor para makita ang kanyang anak.

Kami naman ay nagpasama din sa kwarto kung saan inilipat si Hunsel. Pagdating namin ay nakita namin na wala pa siyang malay. Pero ayon sa doktor, mayamaya lang daw ay magigising na siya. Di pa rin mapigilan ni Madam na maging emosyal habang pinagmamasdan ang itsura at kalagayan ni Hunsel tapos ay maluha-luha pa siya........

    “I was really scared kanina nung malaman kong naaksidente siya...Akala ko iiwan na tayo ng kuya mo Hyro....”
   
Tumabi kami ni Hyro kay Madam. Tinapik siya ni Hyro sa balikat at.......

    “Ma...Kasasabi lang po ni doc di ba?....Kuya Hunsel is going to be fine now....Kaya huwag na po kayong umiyak...”sambit ni Hyro....
    “Oo nga po Madam...Tsaka dapat magpasalamat po tayo na ganito lang ang inabot ni Hunsel...Kumpara po sa nangyayari ngayon dun kay Skylar......”dagdag ko...

Matapos iyon ay nagpaalam na muna ang doktor. Mayamaya lang, habang hinihintay namin na magising si Hunsel ay may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko ito, iyong isa sa mga gwardiya pala ng ospital.....

    “Ma’am pasensiya na ho sa distorbo....Pero may mga reporters ho kasi sa labas na gusto kayong kausapin....”sambit nito....
    “Oh no...Here we go again....”sagot ni Madam.....
    “Kasalakuyan na ho silang hinaharang ng mga kasamahan ko pero nagpupumilit sila eh...Kaya nangangamba ho kami na baka magkagulo at may masaktan pa kung walang haharap sa kanila......”
    “Hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng anak ko?!...I cannot just leave him...I need to be at his side.....”sagot ni Madam....

Kung pwede lang na ako ang humarap sa mga reporters ay gagawin ko para hindi na mahirapan pa si Madam pero hindi...........

    “Sige ho ma’am...Nirerespeto ho namin kayo...Gagawin na lang po namin ang lahat ng makakaya namin para awatin sila....”

Aalis na dapat ang gwardiya nang biglang tumayo si Hyro mula sa kanyang kinauupuan at.........

    “Kuya sandali lang po!....Ako na lang po ang haharap sa kanila....”bigla niyang sambit.....
    “Hyro teka...Sigurado ka ba diyan sa balak mo?...”usisa ko....
    “Anak you don’t have do this....Baka maulit lang iyong nangyari sa iyo sa park....”dagdag ni Madam....
    “No Ma...I have to do this...Tama po iyong sabi ng guard eh....Hindi matatapos toh kung walang makukuhang sagot ang media mula sa atin....Tsaka...Lagi na lang po kayo ang gumagawa nito para protekhan kami....Pero this time Ma...It’s my turn na gawin toh para sa iyo.....”sagot ni Hyro.........

Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na talagang handa siya at buo ang loob niya sa kanyang gagawin......

    “At para sa dalawa kong kuya...”

Napangiti ako nang marinig kong sabihin niya iyon. Lumapit ako sa kanya, inakbayan ko siya  at......
    
    “Madam...Sapalagay ko po dapat hayaan na natin siya...Tiyak ko alam naman po ng batang toh ang ginagawa niya eh...Di ba tol?...”
    “Syempre naman!...Ma, you don’t have to worry...I got all your back in this....At Alam ko na po ang dapat sabihin kanila....”

Sandaling napaisip si Madam, tapos ay......

    “Fine...Ahmmm...Guard pakisamahan na lang siya....And make sure  na walang gulong mangyayari ah....”sambit ni Madam.....
    “Thank you Ma!....”
    “No Hyro, thank YOU for doing this for us....”

Sumama na si Hyro sa guard at lumabas na sila para harapin ang mga reporters na naghihintay sa labas.

SAMANTALA SI REVY......

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at niyakap ko nang ganun si Hyro kanina. Siguro dahil sa matinding pag-aalala? Hay, sana lang hindi siya nag-isip nang masama dun sa ginawa ko. Pero ang sarap niyang yakapin ah, lalo na’t dumikit ata sa akin iyong napakabango niyang amoy.

Ano ba naman toh?! Umalis si Hyro kanina na balot ng kaba at pag-aalala dahil may nangyari sa kuya niya tapos puro kagaguhan pa ang iniisip ko. Kumusta na kaya siya? Ano nang nangyayari sa kanya ngayon at sa kuya niya?

Papagabi na kaya naman minabuti kong umuwi na at baka hinahanap na ko ni ninong Primo. Nang makarating ako sa lugar namin ay napahinto ako sa tapat ng isang tindahan. May maliit na TV dito at ang tindera ay nanonood ng balita. Aalis na dapat ako nang marinig ko na tungkol pala sa mga Amethelli ang ibinabalita. Napalingon ako’t lumapit........

    “Ahmmm....Pwedeng palaksan po ng kaunti iyong TV?...Salamat po....”

Nilaksan niya ang TV at mas malinaw kong napakinggan ang mga sinasabi sa balita. Hindi pala biro ang nangyari sa kuya ni Hyro na si Hunsel. Nabundol  daw ito ng sasakyan at kasama pa nito ang karibal niya daw na modelo na nagngangalang Skylar Van Der Bren. May umuugong din daw na kwento na nagsusuntukan ang dalawa  nang mabundol sila.  At ang pinag-awayan daw nila ay tungkol daw sa assistant ng kuya ni Hyro. Pero dahil wala pang opisyal na pahayag mula sa dalawang panig ay hindi pa nila ito nakukumpirma. Pagkatapos ay.......

    “Kapapasok lang ho na balita...Kasalukuyan hong nagkakaroon ng live interview ang bunsong kapatid ni Hunsel Amethelli na si Hyromin Amethelli sa labas ng ospital...Tunghayan ho natin....”

Nang marinig ko na nagpapainterview si Hyro ay bigla akong nangamba dahil nung huling pagkakataon na humarap siya sa mga reporter ay takot na takot siya at tinulungan ko pa nga. Pero nang ipakita na siya sa TV ay nawala ang pangamba ko, dahil ibang Hyro ang tumambad sa akin. Kalmado siya at walang bahid ng kahit kaunting takot habang sinasagot ang mga tanong......

    “Kumusta na ang kalagayan ng kuya mo?...”
    “There’s nothing to worry about now...Okay na po ang kuya ko ngayon at hinihintay na lang na magkamalay siya...Although sabi po ng doktor ay pansamantala siyang hindi makakalakad...Kaya doon po sa mga taga supporta na nag-aabang sa kanya taon-taon sa Fashion Week...I’m sorry po but he’s not gonna make it to the event this year...”
    “May balita na ba kayo tungkol kay Skylar Van Der Bren?...”
    “I’m sorry po....Pero wala po kasi ko sa posistion para magbanggit ng tungkol sa kondisyon niya....Sana maintindihan niyo...”
   
BALIK KAY ORYO......

Habang nagbabantay kami kay Hunsel, pansin ko na hindi mapakali si Madam. Malamang ay iniisip niya kung ano nang nangyayari kay Hyro sa labas. Kaya naman para maibsan ang nararamdaman niya......

    “Madam...Gusto niyo po silipin ko kung ano nang nangyayari sa labas?...”

Napabuntong-hininga siya, tila mas gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ko....

    “Halata bang natetense ako?...”usisa niya....
    “Kanina ko pa nga po napapansin eh...”
    “Actually, kanina pa talaga kita gustong utusan, kaya lang....”
    “Madam...Kung inaalala niyo po na baka pati ko ay pagkaguluhan ng media....Eh di ba di pa naman nila nakikita nang personal ang assistant ni Hunsel?....Kaya di nila malalaman na ako iyon...Tsaka sisilip lang naman po ko eh...”
    “Sabagay...Sige...Thank you Oryo ha....”
Lumabas na ko at sumilip sa kung anong nangyayari kay Hyro.

BALIK KAY REVY......

Nagpatuloy ang interview kay Hyro. At ang sunod na tinanong sa kanya ay.....

    “Totoo ba ang kumakalat na kwento na nagsusuntukan daw ang kuya mo at si Skylar bago sila nabundol? At totoo rin ba na ang pinag-ugatan ng pag-aaway nila ay dahil nagkalat ng kwento si Skylar sa mga kasamahan nila sa fashion show na ang assistant daw ng kuya mo ay isang magnanakaw?...”

Mabigat ang mga katanungang iyon, pero tila hindi na siya nabigla dito. Samantala, habang nakatingin ako kay Hyro sa TV ay napansin ko na biglang may sumilip na lalake mula sa isang sulok sa kanyang likuran. Natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata dahil iyong lalakeng iyon ay parang si......

    “KUYA ORYO?!!!...”gulat kong sambit....

ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét