Thứ Tư, 23 tháng 10, 2013

Here and Now (Part 14)

By: Chaster Rassel 

Chapter 14: The Rendezvous...

SI HYROMIN......

After that ay doon lamang ako natauhan. What the heck did I just do?! This is so wrong! Kung magtatapat ako sa kanya hindi ganito, dapat iyong maayos at sa harapan niya mismo. Pero wala na, nasabi ko na iyong feelings ko for him at di ko na toh mababawi, kaya naman.......

    “Revy!...Revy hayaan mo kong makapagpaliwanag muna!....Ahmmm.....”

But I noticed na tila tumahimik sa kabilang linya at hindi siya sumasagot.......

    “Hello?...Revy?...Hello?...Nandiyan ka pa ba?...”

I looked at the phone, iyon pala ay........

    “EH?!...CALL ENDED?!!....”

So naputol pala iyong tawag. Now the question is kung before or after ko bang sabihin na mahal ko siya ito naputol. Di ako mapalagay kaya sinubukan ko siyang tawagan ulit pero out of coverage area na iyong phone niya. I hope nalowbat lang siya or else I’m screwed.

SAMANTALA SI REVY.....

    “ANAK NG TINAPA!!!...Bakit naman ngayon pa?!...”inis kong sambit habang nakatitig sa cellphone........

Inis na inis ako at parang gusto ko nang magwala. Iyong makausap na nga lang si Hyro ang makapagpapagaan sa loob ko, naudlot pa. Nalowbat iyong cellphone at hindi ko ito machacharge dahil wala pang kuryente. Kainis talaga, bakit ba sunod-sunod ang kamalasan ko ngayon?

Sa puntong iyon, habang nakaupo pa rin ako sa may sahig ay hindi ko na kinaya pa ang nararamdaman ko. Napayuko na lamang ako at nagsimula kong tumangis nang mahina.



KINABUKASAN, SI HYROMIN......

Nagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. I quickly grab it and check it. Nanlaki ang mga mata ko at napabangon ako bigla dahil si Revy pala iyon, tumatawag. Then kabado kong sinagot ito.......

    “He...Hello?...”
    “Hello Hyro...Ah...Nagising ba kita?...Naistorbo ba kita?...Pasensya na kung masyado kong maagang napatawag ha....”
    “It’s okay....Ahmmm Revy tungkol sa kagabi....”
    “Iyon nga eh...Kaya kita tinawagan ngayon...”

Oh no...Lagot ako! Anong sasabihin ko sa kanya ngayon?!...........

    “Ahmmm...Revy, aaminin ko, nabigla ako sa nasabi ko kagabi...Pero...Pero totoo iyon at galing iyon sa puso ko...”
    “HA?!...Ano bang pinagsasabi mo Hyro?...Nananaginip ka pa ata eh...Gusto ko lang naman sanang magsorry dahil nalowbat ako kagabi...Naisip ko kasi na baka magtampo ka sa akin.....”
     “EH?!...Ganun ba?...Naintindihan ko...Kalimutan mo na lang iyong sinabi ko....Tulog pa kasi diwa ko eh...Ehehe...”sagot ko na may kasamang pilit na tawa....

That was so embarassing, dapat hinayaan ko na muna pala siyang makapagsalita. Pero di bale na, at least alam ko na ngayon na hindi pala niya narinig iyong sinabi ko na mahal ko siya. Makakahinga na ko ngayon nang maayos. And maybe, this is a sign too na hindi pa toh ang tamang oras o panahon para magtapat ako sa kanya.

After that ay nagpaalam na siya dahil kailangan na daw niyang ibaba iyong phone. Pagkababa nito....

    “ARGGH!...Ang hirap palang mainlove!....”bulalas ko sabay higa ulit sa kama.....

SAMANTALA SI REVY......

Gusto ko pa sanang kausapin si Hyro nang mas matagal. Pero nakarinig ako ng mga yabag kaya kinailangan kong ibaba ang phone. Si nong Primo iyon, kaya agad kong itinago ang cellphone. Ilang saglit pa ay binuksan na niya iyong pinto tapos ay lumapit siya sa akin.......

    “Hmph!...Siguro naman ngayon magtatanda ka na?...”
    “Opo nong....Wala na po kayong maririnig sa akin tungkol kay kuya....”

Pagkatapos noon ay umalis na siya at iniwan niyang nakabukas ang pinto ng kwarto......

    “Sige lang nong...Hahayaan kong gawin niyo ang gusto niyo ngayon...Pero di ako titigil, hahanapin ko pa rin si kuya Oryo...At oras na makita ko siya, sasama na ko sa kanya at hinding hindi na ko babalik  sa inyo!....”bulong ko sa aking sarili.....

Ayaw kong mag-aksaya ng oras kaya agad akong naligo at nagbihis para masimulan ko na ang paghahanap. At ang unang lugar na pupuntahan ko, walang iba kung hindi iyong ospital.

Buti na lamang ay gala akong tao kaya hindi ako nahirapang dumiskarte para makarating sa ospital. Minabuti kong magmatiyag muna. Mayamaya ay may mga gwardiyang lumabas at nasundan iyon ng pagdating ng isang magarang sasakyan.

Ilang sandali lang ay bumaba mula dito ang isang babae. Kasunod niya ay si Hyro naman ang nakita kong bumaba. Sasakyan pala nila iyon at malamang iyong Mommy niya ang kanyang kasama. Habang sinasalubong sila ng mga gwardiya ay napalingon ako sa may gilid. Nagulat ako dahil nandun si nong Primo, nakatayo. Tapos ay sinusundan niya ng tingin sina Hyro habang papasok ang mga toh sa ospital!..........

    “Anong ginagawa niya dito?!....”nagtataka kong bulong sa aking sarili.....

Naisip ko na baka makita o mahuli niya ko kaya naman minabuti ko na magtago muna.

BALIK KAY HYROMIN......

Sabi ko kay Mommy hindi ko na kailangan ng security escort but she kept on insisting dahil worried daw siya na baka may magsulputan na namang media. Ito tuloy, para kong anak ng presidente ng Pilipinas. We were on our way to kuya Hunsel’s room nang masalubong namin ang Mommy ni Skylar. Gusto niyang kausapin si Mommy kaya naman nauna na ko para madala ko na kina kuya iyong baon naming breakfast for them.

Pagdating ko, I told the guards na hindi na nila ko kailangang samahan sa loob kaya hinayaan na nila ko. Pagpasok ko, tulog pa iyong dalawa. Pero nabigla ako.......

    “What...the!.....”sambit ko....


Dahil si kuya Oryo ay sa tabi ni kuya Hunsel natutulog, then magkaholding hands na naman silang dalawa. It was just like before doon sa presinto. I don’t know kung maiinggit ba ko sa kanila dahil kahit kailan di pa nangyayari ang ganito sa amin ni Revy o matatawa na lamang.

Lumapit ako sa kanila, it looks like narinig ni kuya Hunsel ang footsteps ko dahil nagising siya......

    “Good morning kuya Hunsel!....”
    “Good morning....Kanina ka pa ba nandito bro?...”
    “Kadarating lang namin...Si Mommy nasa labas pa, kausap niya iyong mommy ni Skylar...May dala kaming breakfast para sa inyo oh...”sagot ko sabay lapag ng food sa side table......

Nagising na rin si kuya Oryo at dahan-dahan siyang bumangon, pero tila naalinpungatan pa siya at wala sa sarili.....

    “Mukhang ang sarap ata ng tulog niyo dito ah....At mukhang nadikit na naman ata ng rugby iyang mga kamay niyo...Hehe...”nakangisi kong sambit......

After I said that,  biglang natigilan at namula nang sobra si kuya Hunsel at si kuya Oryo naman.......

    “Hyro naman...Ang aga-aga nang-aasar ka...”sambit ni kuya Oryo....
    “Anong nang-aasar...Eh kung tignan mo kaya iyang itsura niyo!.....”

Hindi pa rin kumikibo si kuya Hunsel habang ginawa naman ni kuya Oryo ang sinabi ko. Nang makita niyang magkaholding hands nga sila ay nanlaki ang kanyang mga mata at tila nagising ang diwa niya. Agad din siyang napabitaw mula dito at.......

    “Uy Hunsel!...A...Ano toh?!...May...May nangyari ba kagabi na di ko alam?!....”
    “Ahmmm....Ther...There’s a good explanation for this Oryo...”
    “Ayeeee!...Tama ba ang narinig ko?...Hunsel?...Eh ano nang nangyari dun sa Sirrrr Hunsel?!....Hahaha...”mapang-asar kong usisa sabay ngisi kay kuya Hunsel....

Now pareho na silang di makakibo and even kuya Oryo is now blushing too. Ilang sandali pa ay pumasok na si Mommy.......

    “Did I miss anything?...”sambit ni Mommy....
   
Hindi nasagot ang dalawa, kaya naman ako na lamang ang nagsalita......
   
    “Nope...Kagigising lang po nila kuya eh....”sagot ko.........
    “I see....”

Lumingon si Mommy kay kuya Hunsel at......
   
    “Oh kumusta naman ang pakiramdam mo?...”
   
Finally, kuya Hunsel came into his senses kaya this time ay nakasagot na siya.......

    “I’m fine Ma....I’m fine...”
    “By the way...Successful daw iyong operation ni Skylar....Nagising na rin siya...And his Mom is asking a favor....Gusto ka raw kasing makausap ni Skylar...But I said to her na tatanungin mo na kita dahil baka di ka pa ready na harapin ulit siya....”

Sandaling natigilan si kuya Hunsel, mukhang pinag-isipan niya muna ito bago siya sumagot.........

    “I’m ready Ma....Tell her na haharapin ko po si Skylar...That I will talk to him....”
    “Okay then....”

Kung si kuya Hunsel ay natauhan na, kabaligtaran naman si kuya Oryo. Nakatulala pa rin siya at nakatingin sa kamay niya. Kaya nang lumingon sa kanya si Mommy........

    “Oryo....Is there a problem?....”usisa ni Mommy.......

Para siyang walang narrinig, kaya nilapitan ko na then tinapik ko siya sa kanyang balikat. Dahil dun ay.........

    “AY KAMAY!...”gulat niyang sambit......
    “Haha....Kuya Oryo kinakausap ka po ni Mommy!....”
    “HA?!...Ah...Eh....Sorry po Madam...Ano po iyong sinasabi niyo?!”
    “I was asking you kung may problema ba?...Nakatulala ka eh....”
    “Wa...Wala po...Ahmmm....Bagong gising lang po kasi ko, kaya medyo antok pa....”
    “Okay...Mabuti pa mag-almusal na muna kayo ni Hunsel...”

After they ate breakfast ay sinabihan ni Mommy si kuya Oryo na siya naman ang umuwi muna para makaligo, makapagpalit ng damit at makapagpahinga na rin siya nang mas maayos. Mamayang gabi na lang daw siya ulit magbantay kay kuya Hunsel. Tamang-tama dahl aalis na rin ako to go to school kaya I told kuya Oryo na sumabay na siya sa kotse.


BALIK KAY REVY......

Nanatili pa rin si nong Primo sa kinalalagyan niya. Pero tila hindi siya mapakali dahil pabalik-balik siya ng lakad. Mayamaya ay nakita kong naglabas siya ng cellphone mula sa kanyang bulsa. Tila may tinatawagan siya. Pero sino kaya iyon? Si kuya Oryo kaya? Hindi kaya nasa loob pa siya ng ospital?

SAMANTALA SI ORYO......

Hay hindi pa rin ako mapalagay sa nangyari kanina, pero bago naman kami lumabas ay pasimpleng sumenyas sa akin si Hunsel na mamaya na lang daw kami mag-usap tungkol doon pagbalik ko. Samantala, paglabas namin ni Hyro ng elevator ay naramdaman kong nagvivibrate iyong cellphone ko sa aking bulsa.

Pasimple ko itong sinilip, si nong Primo tumatawag! Pero hindi ko naman ito masagot dahil kasama ko si Hyro. Hindi ko rin naman ito pwedeng bale walain kaya naman humawak ako sa tiyan ko at.......

    “Ahmmm...Hyro...Mauna ka na...Di na ko makakasabay sa iyo!....”
    “Huh?..Bakit kuya?...”
    “Ah...Eh...Kasi nababanyo na ko eh....Di ko na kaya!...Sige na mauna kana at baka malate ka pa!!...”sambit ko sabay takbo nang nakahawak pa rin sa tiyan ko......

Nang makalayo na ko sa kanya, agad akong naghanap ng lugar kung saan pwede kong sagutin iyong cellphone. Pagkasagot ko........

    “Nong bakit?....”
    “Nasa harap ako ngayon ng ospital...Kailangan nating mag-usap....”
   
BALIK KAY REVY......

Nagpatuloy ako sa pagmamatiyag kay ninong, ngayon ay nakatalikod siya habang nakikipag usap sa cellphone. Ilang saglit lang ay biglang lumabas si Hyro, nag-iisa siya at walang kasamang mga gwaridya. At ngayon ay hindi na naiwasan na makita niya ko dahilan para agad siyang lumapit sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka, habang ako naman ay kinakabahan. Kapag lumingon kasi si nong Primo at makita niyang kausap ko si Hyromin Amethelli, tiyak mayayari ako nang sobra-sobra........

    “Anong ginagawa mo dito?!...”nagtatakang usisa ni Hyro....
    “Kasi Hyro....”
    “Don’t tell me ganun mo ko kamiss at nagpunta ka pa dito para lang makita ako...Haha...”pabiro niyang sambit.....
   
Dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung anong sasabihin kong palusot sa kanya, kaya sinakyan ko na lamang ang biro niya.......

    “Ahmmm...OO...Ganun nga....”   
    “Haha...Sabi na eh!...”

Napakamot na lamang ako sa aking ulo na may kasamang pilit na ngiti sa sinabi niya. Habang nag-uusap kami ay sumulyap ako sa kinatatayuan ni nong Primo. Pero laking gulat ko dahil wala na siya doon......

    “Saan siya nagpunta?...”bulong ko sa aking sarili.....

Napansin naman ni Hyro na sa iba ko nakatingin kaya maging siya ay napalingon tuloy sa kung saan ako nakatitig......

    “Sinong tinitignan mo dun?...Wala namang tao dun ah....”
    “Ah...Wala!....”
   
Mayamaya ay dumating muli ang sasakyan nila at huminto ito sa tapat namin.....

    “Ahmmm Revy....Pasensya na....Kailangan ko na kasing umalis, may pasok pa ko sa school eh....”
    “Okay lang....Naiintindihan ko naman eh...”
    “Salamat pala sa pagpunta mo dito ah...Don’t worry babawi ako sa iyo next time, mas matagal mo kong makakasama...Promise iyan!...”
    “Sige...Ingat ka ha...”

Pagkaalis niya ay agad akong nagtungo sa pwesto ni ninong kanina. Tumingin-tingin ako sa paligid dahil baka nasa malapit lamang siya. Hindi ko siya nakita, pero hindi ako basta susuko dahil malakas ang pakiramdam ko na si kuya Oryo ang kausap niya sa cellphone. At kung nagpunta siya dito at tinawagan niya si kuya, isa lamang ang ibig sabihin nito, magkikita silang dalawa.

BALIK KAY ORYO......

Bago ko lumabas ng ospital ay sinabi ko kay nong Primo na huwag kami sa harap ng ospital mag-usap, na umalis muna siya doon at tatawagan ko siya kapag nakalabas na ko. Samantala, naisip ko na baka di pa nakakaalis si Hyro at baka makita niya ko kaya sa fire exit na lamang ako dumaan.

Paglabas ko ay sa likuran ako ng ospital napadpad. Tinawagan ko na si ninong at pinapunta.  Pagdating niya............

    “Bakit niyo ba ko gustong makausap?...Isasagawa na ba natin ang plano?...Sa bagay....Magandang pagkakataon toh dahil nandito pa sa ospital si Hunsel at nasa kanya ang atensyon ng lahat.....”
    “Hmph!...Wala ka nang pakialam sa kanya ngayon?...”
    “Sabi niyo itigil ko ang kahibangan ko di ba?....Sinusunod ko lang kayo...Para na rin sa ikabubuti ng kapatid ko....”

Sa puntong iyon ay kailangang magmukha akong matigas, nang sa ganoon ay mapapaniwala ko si ninong na sumusunod ako sa lahat ng gusto ko niya.....

    “Mabuti naman at natauhan ka na....Pero hindi pa natin sila titirahin....”
    “Pero nong ito na ang pagkakataon natin!....”
    “Kapag sinabi kong hindi....HINDI!!!...”inis na sambit ni ninong sabay iwas ng tingin mula sa akin....

Kung tutuusin ay ito na talaga ang tamang tiyempo para sa plano. Pero bakit ganun? Bakit tila nag-aalinlangan si ninong? May kung ano bang pumipigil sa kanya?..........
 
    “Kung ganun, anong ipinunta niyo dito?...”
    “Kahapon, nung lumabas sa TV iyong Hyromin Amethelli...Nakita kang nakasilip ng kapatid mo!...Kung di ka ba naman tatanga-tanga!!...”
    “HA?!...Anong...Anong sinabi ni Revy?...”
    “Syempre nagtanong tungkol sa iyo!...Kung bakit ka nandito!!...At nagtangka pang pumunta dito iyong gago na iyon!!!....”
    “May ginawa kayo sa kanya?...”
    “Ikinulong ko siya sa kwarto!....”
    “ANO?!...Hindi niyo pwedeng gawin toh!...May kasunduan tayo!!.....”
    “ALAM KO!!!...Kaya nga pinakawalan ko din siya kanina bago ko umalis....”
    “Hmph...”
    “Bakit ba kasi hindi na lang natin sabihin sa kanya iyong totoo?! PARA HINDI NA NATIN SIYA PRINOPROBLEMA!!!....”
    “Nong napag-usapan na natin toh eh...Ayaw ko siyang madamay dito kaya hindi niya pwedeng malaman ang ginagawa ko....”
    “Hmph!...Bahala ka!!...”

Doon na natapos ang aming pag-uusap. Nauna na siyang umalis, pagkatapos ay ako naman ang sumunod. Habang naglalakad ako ay napapaisip ako. Sa kakaunting pagkakamali lamang ay nagawa ni ninong na ikulong si Revy sa kwarto. Natatakot ako sa pwede pa niyang gawin. Dapat na ba kong magpakita ulit sa kapatid ko? Dapat na ba niyang malaman ang lahat?

BALIK KAY REVY......

Naglakad-lakad ako, umaasa na makikita ko si ninong na kasama si kuya Oryo. Habang naglalakad ay nakayuko ako, nag-iisip kung ano nang susunod kong gagawin kapag walang nangyari ngayon. Mayamaya, dala ng pagod ay huminto ako sa paglalakad.    

Inangat ko ang aking ulo. Hindi ako makapaniwala sa tumambad sa paningin ko. Mangiyak-ngiyak ako, dahil si kuya Oryo ay nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin...........

ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét