Thứ Năm, 17 tháng 10, 2013

Here and Now (Part 13)

By: Chaster Rassel 

Chapter 13: The Broken One...

SI REVY......

Si kuya Oryo ba talaga itong nakikita ko ngayon?! Tititigan ko pa sana ulit at nang mabuti ang lalake pero bigla na lamang namatay ang TV......

    “Naku!...Ano ba naman iyan!...Ngayon pa nagbrownout!....”sambit ng tindera....

Bwisit naman! Sa dami ng oras na pwedeng mawalan ng kuryente bakit ngayon pa! Napakamot na lamang ako sa ulo, lumingon ako at paglingon ko ay nasa likuran ko pala si ninong Primo........

    “Kanina pa po ba kayo diyan nong?....”

Hindi siya sumagot at nakakapagtaka dahil iyong itsura niya, para bang nabigla siya sa kung ano. Pinanonood din ba niya iyong interview kay Hyro kanina? Nakita din ba niya at ang nakita ko? Mayamaya pa, tila natauhan na siya at.....

    “Nong....”
    “Umuwi ka na ngayon din...Bilisan mo!...”

SAMANTALA SI ORYO......

    “Di po ako makakapagbigay ng detalyadong sagot tungkol diyan...Kung ano man po kasi iyong totoong nangyari at pinagsimulan ng gulo nila kanina ay silang dalawa lang po ang nakakaalam noon...Kaya sana ay huwag mo na po tayong maghusga o magparatang ng kahit ano...Hintayin na lang po natin na sila mismo ang makapagbigay ng sagot sa mga katanungang iyan
sa tamang panahon....Sa ngayon, hinihiling ko lang po sa lahat na ipaubiya niyo na muna po sa amin ang pagkakataon at oras na toh para sa pamilya namin....Sana maintindihan niyo at respetuhin po ninyo toh....Iyon lang po...Maraming salamat.....”sagot ni Hyro.....

Napangiti at napahanga ako sa mga sinabing iyon ni Hyro. Hindi biro ang mga tanong na iyon galing sa reporters pero nasagot niya agad nang maayos. Napaisip tuloy ako kung bata pa ba talaga ang mokong na toh o sinaniban lang siya ngayon ng matanda.

Doon na nga nagtapos ang interview ni Hyro. Pumasok na siya ulit at syempre nakita niya ko na naghihintay sa kanya....

    “Oh kuya Oryo anong ginagawa mo dito?....”
    “Inutusan ako ni Madam para silipin kung ano nang nangyayari sa iyo, di kasi siya mapakali eh....Pero wala naman pala siyang dapat alalahanin....”
    “Hmph...So narinig mo iyong huli kong mga sinabi?....”
    “OO...Ang lupet mo tol ah...Para kang sinaniban ng matanda....”
    “Sinabi ko lang naman kung anong nasa puso ko eh....”
    “May ganyan ka pang nalalaman ah....Tara na nga hinihintay na tayo ng Mommy mo....”

Bumalik na kami sa kwarto ni Hunsel. Pagpasok namin sa pinto ay napatayo si Madam sa kanyang kinauupuan at agad na lumapit sa amin........

    “Oh what happen?...Tapos na ba ang interview?...”
    “Yes Mommy...Tapos na po...”
    “Madam lumelevel up na itong bunso niyo....Astigin iyong mga sagot niya sa mga reporter eh....”sambit ko sabay gulo sa buhok ni Hyro...
    “Really?...I’m glad to hear that...And of course, proud for what you did Hyro....”
    “I told you Ma....Kaya ko po...Gusto niyo next time sa The Buzz pa ko magpainterview eh....”
    “Hmph...Ayan ka namang bata ka....Puro ka na naman kalokohan...”

Sa kalagitnaan noon ay bigla kaming nakarinig ng paghalinghing. Napalingon kami at nakita namin na tila gumagalaw si Hunsel.

BALIK KAY REVY......

Halos magkasunod kaming dumating ni nong Primo sa bahay. Hindi ako mapalagay, nababagabag pa rin ako doon sa nakita ko. Gusto kong makasigurado, dahil baka ito na ang pagkakataon na makita at makasama ko ulit si kuya, kaya naman.....

    “Nong nakita ko si kuya Oryo sa TV!....”

Lumingon at tumitig sa akin si ninong nang masama.....

    “Alam ko pong nanonood din kayo kanina sa balita....Nakita niyo din ba siya?....”  
    “Wala akong nakita...”
    “Wala ba talaga kayong nakita o ayaw niyo lang sabihin sa akin ang totoo?!.....”

Hindi siya sumagot at umiwas lamang siya ng tingin mula sa akin.............

    “Ano nong?!...Bakit hindi kayo makasagot?!...Siguro si kuya Oryo talaga iyong lalakeng nakita ko sa ospital kanina sa TV noh?!....NONG SABIHIN NIYO SA AKIN IYONG TOTOO!!!...”
    “LINTIK NA!!!!....”

Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Pero dahil doon ay nagalit siya, bigla niya kong hinila sa braso at hinawakan nang sobrang diin sa aking mukha at........

    “Ang lakas din naman ng loob mong utusan at sigawan ako!...HA!!!...Tigilan mo na ang katatanong tungkol sa kuya mo ah!!...Pag sinabi kong wala akong nakita, WALA AKONG NAKITA!!!...NAINTINDIHAN MO?!!...”

BALIK KAY ORYO......

Agad kaming lumapit kay Hunsel at nasilayan namin ang dahan-dahang pagmulat ng kanyang mga mata. Sa wakas ay nagkamalay na siya pero dahil nga sa mga pilay ay hirap siyang gumalaw.....

    “Hunsel anak....Kumusta na ang pakiramdam mo?...”
    “Kuya huwag ka munang masyadong gumalaw ah.......”
    “Ma.....What happened to my legs?...”usisa ni Hunsel habang tinitignan ang kanyang sarili....
    “May mga bone fractures ka anak...Ganun din sa right arm mo...”
    “I see....”
    “Kuya Hunsel ano ba kasing nangyari to begin with?...Bakit humantong kayo sa ganito nung Skylar na iyon?....”usisa ni Hyro....

Nang itanong ni Hyro iyon ay bigla na lamang tumingin sa akin si Hunsel. Pagkatapos ay saka siya sumagot......

    “I heard him talking to someone on the phone...It came right out of his own mouth na siya ang nagkalat ng tungkol sa iyo Oryo, para lang masira niya ko...But of course, hindi naman ako papayag na idamay ka niya, na pati ikaw sirain niya....So we end up fighting hanggang sa....I guess alam niyo na kung anong sumunod na nangyari....”

Hindi ako nakakibo sa mga narinig ko. Halos ipahamak ni Hunsel ang sarili niya dahil lamang sa kagustuhan niyang protekhan at ipaglaban ako. Bakit? Bakit niya ginawa toh? Eh kung tutuusin ay hindi naman ako karapat dapat para dito.........

    “Anyway....What did the doctor said about my condition?....Makakalakad pa ba ko?.....”
    “Ahmmm....I think it would be better kung iyong doctor na mismo ang magpaliwanag sa iyo ng tungkol diyan....”sagot ni Madam....
    “Sige po madam...Tatawagin ko siya....”sambit ko.....

Lumabas ako para tawagin ang doktor. Pagkabalik ay agad na tinignan ng doktor si Hunsel at ipinaliwanag din sa kanya ang sinabi nito kanina sa amin tungkol sa kalagayan niya. Habang kinakausap siya ng doktor ay tila naluluha siya. Matapos iyon........

    “6 -10 weeks huh....At one week and a half na lang Fashion Week na....Great...Just great...For the very first time....Mawawala ako sa event...”sambit niya na may kasamang pilit na ngiti...
    “Don’t worry kuya Hunsel...I’m still here...Ako ang magtataas ng bandera ng Amethelli Apparels sa Fashion Week...And who needs Hunsel Amethelli anyway kung nandito naman iyong mas fresh and yummy na bunso?...Hehehe...”pabirong sambit ni Hyro....

Kahit paano ay napangiti si Hunsel sa biro na iyon ng kanyang kapatid.........

    “Hmph!....Bro pasalamat ka at may pilay ako ngayon kung di binatukan at tinadiyakan na kita diyan...Hehe....”
    “Kuya naman!...I’m just trying to cheer you up....Sige ka mababawasan iyang kagagwapuhan mo!....”

Natawa na lamang silang pareho, maging si Madam ay natawa rin. Habang ako naman ay nasa isang sulok at tahimik silang pinagmamasdan.

BALIK KAY REVY......

Matapos ang naging reaksyon na iyon ni nong Primo ay mas lalo pang lumakas ang hinala ko na si kuya Oryo nga talaga iyong nakita ko. Di pwede toh, hindi pwedeng wala akong gawin. Kailangang malaman ko kung ano ang totoo at kung anong nangyayari kay kuya.

    “Kung ayaw niyong magsalita...Ako na mismo ang aalam sa totoo.....PUPUNTAHAN KO IYONG OSPITAL NA IYON!...”sagot ko...
    “TARANTADO KA AH!...Kinakalaban mo na ko ha?!!...Inuubos mong pasensiya ko?!!!....”

Bigla niyang binitawan ang mukha ko tapos ay hinawakan ako nang mahigpit sa aking braso. Kinaladkad niya ko papasok sa kwarto namin ni kuya Oryo. at ibinalandra sa may sahig.......

    “Diyan ka!....Hindi ka pupunta sa ospital na iyon!!.....AT HINDI KA RIN LALABAS SA SILID NA TOH HANGGA’T HINDI KA NAGTATANDA!!!...”

Lumabas na siya at isinara ang pinto. Agad akong tumayo para subukang buksan ito pero kinandado na niya at wala na kong nagawa kung hindi ang....

    “Nong!...Nong buksan niya itong pinto!!...PALABASIN NIYO KO!!...NONGGGGGGG!!!!....”mangiyak-ngiyak kong sigaw......

Matapos iyon ay napasuntok at napasandal na lamang ako sa may pinto tapos ay napaupo sa sahig. Hindi ko na rin napigilang maging emosyonal dahil iyong kakarampot na pag-asa kong makita ulit si kuya Oryo ay naglaho na. Idagdag pa doon na dahil nakakulong ako dito ay baka hindi ko na magawang makipagkita kay Hyromin.

BALIK KAY ORYO......

Gabi na rin kaya minabuti ni Madam na utusan na lamang akong bumili ng pagkain para dito na lamang kami maggabihan nang sabay-sabay sa ospital. At syempre bilang assistant, ako ang tumutulong kay Hunsel para makakain siya. Habang kumakain........

    “By the way Ma....What about Skylar?...How is he?....”usisa ni Hunsel.....
    “Ang sabi ng doktor niya kanina ay ooperahan daw siya sa spine...Sa ngayon wala pang update from his doctor about him eh...”
    “I see...Ahmmm....I almost forgot....Wala po bang media na nangulit sa inyo?...What happened between me and him was a big issue eh...”
    “Well, for now hindi mo na sila dapat alalahanin muna...”sagot ni Madam....
    “Bakit naman po?...”
    “Because I’ve taken care of them already...”biglang singit ni Hyro.....
    “WHAT?!...Ibig mo bang sabihin for the first time, you actually....”
    “Yep!...You got it right kuya....”
    “And then you....”
    “Yes I did!....”

Tila hindi makapaniwala si Hunsel sa ginawa ng kanyang bunsong kapatid.  At talaga namang nabigla siya........

    “Is...Is this true Ma?!...”
    “OO anak, kanina kasi nandiyan sila sa may labas...Eh di naman kita magawang iwan....Then your brother voluteered himself....”
    “Alam mo kasi kuya, natakot ako nung nalaman ko ang nangyari sa iyo....Nakita ko rin kung gaano nag-alala at nahirapan si Mommy kanina....And at the same time di ko rin matiis na pati si kuya Oryo ay mapahamak....So I realized na dapat may gawin ako....Na dapat matuto  akong ipagtanggol ang mga taong mahalaga sa akin....”
    “Bro...Maraming salamat ha....Napakalaking bagay nung ginawa mo for us...I must admit, hindi ko inaasahang magagawa mo iyon...I’m so proud na naging kapatid kita.....”
    “You don’t need to thank me kuya....We’re family here...We’re supposed to got each other’s back right?....”
    “Yeah...But wait a minute....Kailan ka pa naging ganyan kamature mag-isip?....”nagtatakang usisa ni Hunsel....
    “Huh?......”
    “I mean...There is something different in you....Don’t you think the same Ma?.....”
   
Napatingin si Hunsel kay Madam na may kasamang ngiting may bahid ng pang-aasar........

    “Different as in para siyang motivated?...Inspired?...”usisa ni Madam sabay tingin kay Hyro.....
    “So napansin niyo rin po pala...Ma.....Mukhang nagbibinata na ang bunso niyo....”sambit ni Hunsel habang nakatitig kay Hyro....
    “Oh no...Could it be?!...”sambit ni Madam....
    “Ano ba iyang pinagsasasabi niyo?!...”iritableng tanong ni Hyro...
    “Hyromin Amethelli....Iyong totoo.....”sambit ni Hunsel sabay ngiti na mapang-asar.........
    “IN LOVE KA NOH?!!...”sabay na usisa nina Madam at Hunsel......

Matapos nilang sabihin iyon ay bigla na lamang namula ang mukha ni Hyro tapos ay umiwas siya ng tingin sa kapatid at mommy niya.........

    “Mommy naman  eh! Kuya!...Ayaw ko ng ganyang usapan!...”
    “Ayeee!...You’re blushing and you’re trying to avoid it too huh....Sabi na nga ba eh....”pang-aasar ni Hunsel....

Napakamot na lamang sa ulo si Hyro tapos ay natawa naman sa kanya sina Madam at Hunsel. Sa totoo lang ay nakakatuwa silang pagmasdan dahil nagagawa nilang maglambingan at ngumiti na para bang walang nangyaring di maganda kanina.

Isang oras matapos naming kumain ay minabuti ni Hunsel na pauwiin na sina Madam at Hyro. Lumalalim na kasi ang gabi at para makapagpahinga na daw sila. Ako na lamang ang nagpaiwan para magbantay sa kanya. Nang makaalis sila.........

    “Wala na sila....Now, can we talk Oryo?...”
   
Lumapit at tumayo ako sa may tabi niya.......

    “I’ve noticed na mula nang magising ako kanina eh ang tahimik mo....Para kang wallflower diyan....”
    “Ahmmm sirrrr kasi.....”
    “Oryo...Kung sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa akin....Please don’t......”
    “Pero sirrrr kasalanan ko naman talaga eh...At kung tutuusin nga po, hindi naman ako karapat dapat ipagtanggol...Dahil...Dahil totoo namang magnanakaw ako...”
    “NO!...Hindi na ikaw ang taong iyon ngayon....Nagbago ka na...All this time, you’ve been nothing but the best assistant to me...I mean, kahit na di maganda ang naging pakikitungo ko sa iyo, nagtiyaga ka pa rin sa akin...Tapos...Tapos niligtas mo pa ko....Tinulungan mo ko kanina sa aksidente....”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi. Ako daw ang the best na assistant at mabuti daw akong tao. Pero kung alam lang niya ang tunay na dahilan kaya ako nandito ngayon. Samantala, tinitigan niya ko sa aking mga mata at.....
   
    “All I’m saying is naging mabuti kang tao....Kaya hindi na mahalaga kung ano ka dati....Ang mahalaga, you’re HERE AND you’ve NOW changed into a better person....Kaya kung kailangang ipagtanggol at ipaglaban kita ulit...Gagawin ko...Because I knew in my heart that you deserve it....And because...BECAUSE YOU ARE IMPORTANT TO ME ORYO!....”

Namula siyang bigla pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako naman ay biglang kinabog nang di oras. Takte! Ano bang nangyayari sa isang toh at bigla na lamang siyang bumabanat ng ganito?!...........

    “Ah...Eh...Sirrrr....Gusto niyo po tawagin ko ulit iyong doktor?...Mukha kasing di kayo okay eh....Kung anu-anong pinagsasabi niyo...Ba...Baka tinamaan iyong ulo niyo kanina....”
    “I’m fine!....And I’m serious....Ahmmm....I mean....Eh...Natural lang naman na magkaroon ka ng halaga sa akin....Kahit naman kay Mommy at Hyro may halaga ka rin eh....Kaya...Kaya ikaw ang huwag mag-isip ng kung anu-ano diyan noh...”

Namulala pa rin siya at napansin ko na ngayon ay di siya makatingin nang tuwid sa akin. Pakiramdam ko pati ako namumula na rin.......

    “Okay sirrrr...Na...Naiintindihan ko na po kayo....”
    “So hindi mo na sisisihin ang sarili mo ha?....”
    “Hindi na po sirrrr....”
    “Good...Huwag ka na rin sanang sumimangot diyan...Mas gusto ko kasing nakikita iyong cute mong ngiti...”
    “HA?!...”
    “I mean....Mas...Mas bagay sa iyo ang nakangiti...Hehe...”
   
Sa puntong iyon ay ang lakas na nang pagkabog ng dibdib ko. Ewan ko ba at pati iyong mga pangamba ko kanina ay bigla nang nawala. Kasunod noon ay napangiti, natawa at napakamot na lamang ako sa ulo sa mga sinabi niya........

    “Hehe...Si sirrrr Hunsel talaga oh...Nagpapatawa pa...”
    “See...Eh di ngayon nakangiti ka na...”
    “Kayo kasi sirrrr eh....”
     “By the way....From now on, huwag mo na kong tatawaging sirrrr ah?...Hunsel na lang....At huwag mo na rin akong poin kasi makaedad lang naman tayo eh....Okay?...”
    “Okay si...Este Hunsel!...Hehe...”

Grabe, parang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ko inakala na darating ang pagkakataon na magkakaroon ako ng puwang at halaga kay Hunsel, na magkakasundo kaming dalawa. At aaminin ko, naninibago ko dahil nasanay na rin kasi ako sa pagiging masungit niya sa akin.

Nang matapos kaming mag-usap ay inalalayan ko na siya sa paghiga para makatulog at makapagpahinga na rin siya. Kasunod noon ay pinatay ko na ang ilaw. May maliit naman na supa ang kwarto kaya doon na lamang ako nahiga. Pero makalipas lamang ang ilang sandali.........

    “Oryo!...Oryo!....”

Bigla akong tinawag ulit ni Hunsel kaya agad akong bumangon at lumapit sa kanya.......

    “Bakit?!....”nag-aalala kong usisa....
    “Ahmmm....May...May small favor sana ko...”
    “Ano iyon?...”
    “Baka pwedeng dito ka na lang matulog sa tabi ko?...”
    “HA?!!!...”

Napalunok ako bigla sa narinig ko. Anak ng kabayo naman, akala ko kung ano nang nangyari sa kanya kaya tinatawag niya ko.........

    “Ah...Eh...Teka muna...Bakit mo ko pinapatabi sa iyo?...”
    “This is kinda embarassing....Ikaw ang unang taong makakaalam nito....Ahmmm....Ta...Takot kasi ko sa mga ospital eh....”

Muntik na kong matawa nang malakas sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tignan mo nga naman, may kahinaan din pala ang mokong na toh....

    “Hmph...Kanina pa tayo nandito...Ngayon ka lang nagsalita tungkol diyan...”
    “Nahihiya kasi ko kay Mommy at Hyro eh....Dali na Oryo, tabihan mo na ko please....”

Ano pa nga bang magagawa ko? Eh hindi ko naman siya kayang tiisin kaya inilapit ko na lamang iyong supa sa tabi niya. Pinuwesto ko ito sa kaliwa niya, tapos ay nahiga na ko ulit.....

    “Oh ayan...May pilay ka kasi sa kanang braso, kaya dito ko sa kaliwa mo pumuwesto para makalabit mo ko pag may kailangan ka....Huwag ka nang matakot ha?...”
    “Th...Thank you!....”

SAMANTALA SI HYROMIN......

I’m done cleaning up myself. Ang daming nangyari ngayong araw na hindi ko inaasahan at sa wakas makakapagpahinga na rin ako. Humiga na ko sa kama, pero syempre bago ko tuluyang matulog ay dinampot ko muna iyong cellphone ko from my side table para matawagan ko si Revy.

Pagkadampot ko nung cellphone ay naalala ko bigla iyong pang-aasar na ginawa ni kuya Hunsel at Mommy kanina sa akin sa ospital. I must admit, naisip ko iyong pagtatanggol sa akin ni Revy and that’s what gave me the strength to face the reporters. So technically, all what they said about me is true. Hay Revy, what have you done to me?

Itinuloy ko na ang pagtawag sa kanya at agad naman niya itong nasagot.......

    “Hyro!...Kala ko di ka na tatawag eh....”
    “Sorry...Ngayon lang kasi ko nakauwi from the hospital eh....”
    “Ganun ba?...Ahmmm....Kumusta na pala iyong kuya mo....”
    “Okay na siya....Nagising na nga siya eh...”
    “Buti naman....Uy napanood ko iyong interview mo kanina ah...Di ko nga lang natapos dahil biglang nagbrownout dito....”
    “Talaga?...Ahmmm....Okay ba iyong pagsagot ko?...”
    “OO naman...Ang astig mo kaya kanina....Gulat nga ako eh...Dahil dati di ba natakot ka sa mga reporter....”
    “If you only knew....Nagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa iyo....”bulong ko sa aking sarili.......
    “Ahmmm...Hyro...Alam mo ba na kanina ko pa gustong-gusto na marinig ang boses mo...”malamya niyang sambit....

Bakit ganun? It seems like biglang naging malungkot iyong boses niya. Parang kagaya nung time na nadatnan ko siyang natutulog sa tambayan, nung bago ko umalis.....

    “Hoy Revy ano ba iyan?...Bat parang bigla kang nagsesenti diyan....”
    “Wala lang...Sumasaya kasi ko kapag naririnig ko iyong boses mo eh....”
    “OA mo ah...I was just with you kaninang hapon, namimiss mo na ko agad?...”
    “Ahmmm....Kasi...”
    “By the way...Speaking of kanina....Bakit mo ko biglang niyakap?...”
    “HA?!...Naku Hyro nabigla lang ako noon!...Ka...kasi nga nag-alala ko sa iyo kanina....Hu...Huwag mo sanang bigyan ng kahulugan....At huwag ka rin sanang magalit sa akin....”
    “Kalma lang...Di naman ako galit eh...”

And why would I be mad sa isang pangyayari na ginusto ko rin naman..........

    “Revy....”
    “Oh?....”
    “Ahmmm....Ang totoo....Ang totoo nagustuhan ko naman talaga iyong pagyakap mo eh....Kasi.....”

And at the point, as my heart starts to beat so fast, bigla na lamang lumabas mula sa bibig ko ang mga salitang.....

    “KASI MAHAL KITA REVY!....”

ITUTULOY.......

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét